Part 7

335K 6.1K 567
                                    

"Hop in."

Umiling si Yolly. Ayaw niyang sumakay sa motor ni Andy.

"Bakit?"

Napangiwi siya at tiningnan niya ang palda niyang suot na uniform. Iyon ang dahilan kaya hindi siya puwedeng sumakay sa motor. Isa pa ay takot siya na baka mahulog siya. Ngayon lang kasi siya makakasakay ng single na motor kung sakali.

Napakamot-ulo si Andy. "That's fine. Pa-side ka na lang umupo."

"Ayoko," giit niyang nahihiya.

"Sige na."

"Ayaw ko talaga. Mag-taxi na lang ako ta's sunod ka. Saan mo ba gusto kumain?"

"Are you sure?"

"Oo at baka kasi may makakita sa 'tin. Ayoko nang matsismis ulit."

Napalabi si Andy. "Sabagay," pagkuwa'y anito.

Nag-abang na nga ng taxi si Yolly. Sakto ang kinatatayuan niya, may mga taxi roon na dumadaan para sa mga sosyaling mga estudyante.

"Saan ba tayo?" at tanong niya kay Andy nang makapara siya. Hawak na niya ang bukasan ng pinto ng taxi.

Nakatingin lang sa kanya ang binata. Nakahawak sa baba nito. Nag-iisip siguro.

"Anong sasabihin ko sa driver na pupuntahan natin?" ulit niyang tanong.

"Wait lang," imbes na sumagot ay sabi ni Andy. Walang anu-ano ay pinaandar ang motor at umalis.

Nagtatakang sunod-tingin siya rito. Saan pupunta 'yon? Biglang nagbago ang isip?

Napakamot siya sa ulo. "Aisst! Sabi ko na nga ba, eh. Sino ba kasing guwapong lalaki na makikipag-date sa isang tulad kong pangit? Asa ka pa, Yolly?!" at saka tukso niya sa sarili na napailing-iling.

Himala na sa halip mainis siya ay gusto niya pang matawa.

"Ano, Miss, sasakay ka ba o tutunganga na lang diyan?" pagsusupladong silip sa kanya ng driver nang bumaba ang salamin ng taxi.

"Ah, eh, hindi na—" Ang isasagot niya sana ay HINDI NA PO pero may umunang nagsalita sa kanya kaya naputol.

"Sasakay po kami, Kuya." At si Andy iyon.

Napatangang napalingon siya sa binata. Totoo ba ito? Binalikan siya ni Andy?

"Ipinark ko lang 'yung motor," nakangiting paliwanag naman nito sa kanya. "Let's go?"

"Huh?" ang tanging nasambit niya tapos ay napalunok. Hindi siya makapaniwala, eh.

"Sabi ko tara na. Gutom na ako." Napahawak pa sa sariling tiyan si Andy bago pinagbuksan siya ng pinto. "Get in."

Napangiwi siya. "Uhm... sa susunod na taxi na lang ako," tapos ay aniya na nailang. Mas hindi niya ma-imagine na makakatabi niya sa taxi ang binata. Baka mahimatay siya. Diyos ko!

"Ano ka ba? Dito na tayong dalawa."

"Gusto mo bang magkatabi tayo riyan?" Parang siya pa ang nahihiya. Kasi naman parang wala talaga siyang lakas na makitabi sa guwapong binata.

"Oo naman. Ayaw mong sumakay sa motor ko, eh, kaya dalawa na lang tayo rito sa taxi. Okay lang naman, 'di ba?"

"Pero baka may makakita sa 'tin?"

"Wala 'yan. Saka medyo tinted naman ang salamin ng taxi kaya sakay na. Papakasaya tayo."

Kamot sa ulo si Yolly. Pero sa huli ay sumakay na rin siya. Ang arte na niya kung aangal pa siya.

Magkatabi nga sila ni Andy, at hindi niya mailarawan kung anong pakiramdam niya. Para siyang nalulusaw na ewan. Para rin siyang nabato sa kinauupuan. Magulo.

ANG NABUNTIS KONG PANGIT (free/completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon