Season 1 |39|>>#TheCheater

83.8K 930 96
                                    

Author's Note:

Video: Promotional Video for BGFAG :)

Picture: Si Leo (Kai)

~~

Leo's POV

"Jade, kanina pa kita tinatawagan, bakit hindi mo sinasagot ang phone mo?"

"Look Leo, I'm done with you. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na it's just for fun? You should enjoyed it while it lasted,"

Hindi ko maiwasan ang sarili ko na sipain ang bato sa harapan ko. Pagkatapos kasing umalis ni Kriz para sa klase niya ay naiwan na akong mag isa dito sa Quadri Park.

Ewan ko ba kung anong nangyayari sa akin. Padalas na ng padalas ang panlolokong ginagawa ko kay Jesse. Una si Jade ngayon naman si Kriz. Hindi ko alam kung bakit ako mabilis matukso. Pero pinapangako ko, mahal ko pa din si Jesse hanggang ngayon.

"Wala na ba talaga?"

Narinig kong nagbuntong hininga si Jade sa kabilang linya. Hindi naman akong umaasang may mangyayari sa amin. Medyo natutuwa nga ako kasi kahit papaano mababawasan ko ang kasalanan ko sa babaeng mahal ko.

"Leo, stick with your girlfriend. Sigurado ako kakailanganin ka niya. Don't call me again,"

Hindi niya ako hinintay na sumagot at ibinaba niya na lang ang phone.

What now?

Tiningnan ko ang relo ko at nakita kong may thirty minutes pa ako bago ang susunod na klase ko. Iiglip na lang nga muna ako ng saglit.

Nasa may lilim naman 'yung bench na kinauupuan ko kaya pwedeng matulog muna. Nilagay ko ang braso ko para takpan ang mga mata ko sa araw. Hindi ko alam kung ilang minuto ako na ganun ang pwesto pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog.

Iniisip ko kasi ang girlfriend ko at kung anong magiging reaksyon niya kapag sinabi ko ang totoo. Mapapatawad niya kaya ako? Sana oo, dahil hindi ko kaya na magalit siya sa akin. Gagawin ko ang lahat para mapatawad lang niya.

"Leo,"

Narinig ko siya sa unang pagkakataon pero hindi ko muna pinansin ang boses sa pag aakalang nanaginip lang ako. Pero nung tinawag niya ulit ang pangalan ko ay wala na akong nagawa kung hindi pansinin siya.

"Pa-pare,"

Noong una ay hindi ko siya namukhaan. Para kasing ibang tao na ang nakatayo sa harapan ko at nakapamulsa. Wala na kasi siyang suot na salamin at iba na din ang pananamit niya. Pero hindi ako nagkakamali.

Si Kendrick itong nasa harapan ko.

Ang unang pumasok sa isip ko ay suntukin ang pagmumukha niya. Kung inaakala niya na mag mamakaawa ako sa kanya dahil sa ginawa naming panloloko ni Jesse. Nagkakamali siya.

Oo inaamin ko, naiingit ako sa kanya. Simula pa noong bata kami naiingit na ako. Siya na lang kasi lagi ang bida. Kahit mukha siyang gago at mukhang timang, siya pa din ang nangunguna. Sa school siya lagi ang top 1 at ako lagi ang top 2. Sa mata ni papa, mas magaling pa din ang inaanak niya kaysa sa akin na sarili niyang anak. Mas gusto niya pa ngang maging anak si Kendrick dahil hindi siya katulad ko na tamad at palaaway. Kahit nga sa mata ni Jesse minsan ay mas magaling si Kendrick.

Sawang sawa na ako na maging anino ng gago na'to. Kaya ginawa ko ang lahat para lang maghirap siya. At isa na dun ang pinlano ko kasama si Jesse.

Nagtitigan lang kami. Dati kayang kaya ko basahin ang nasa isip ni Kendrick, para na kasing totoong magkapatid ang turingan namin kaya bawat galaw kabisado na. Pero parang bagong Kendrick na talaga ang nasa harapan ko. Diretso at blanko ang tingin niya sa akin. Kaya hindi ko alam kung galit ba siya o ano.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon