Chapter Seventeen

11.5K 299 24
                                    

Paggising ni Carlo kinabukasan ay bumungad sa kanyang harapan ang mahimbing na natutulog niyang mga magulang. Nagpasya sina Delfin at Susan na doon muna matulog sa kwarto ni Carlo upang samahan siya. Pagkatapos ng madamdaming tagpo sa pagitan niya at ng kanyang mga magulang ay doon napagtanto ni Carlo kung gaano siya kamahal ng mga ito. Naramdaman niya kung gaano ito labis na nag-alala sa pag-alis niya ng walang paalam. Tila inusig naman siya ng kanyang konsensya sa ginawa niyang paglalayas kagabi. Hindi man lamang niya inalala ang magiging damdamin ng kanyang mga magulang sa kanyang pag-alis ng bahay ng hindi man lang nagpapaalam sa kanila.

"Patawarin niyo po ako tatay, nanay." Wika ni Carlo sa natutulog niyang mga magulang. Pinagitnaan siya nina Delfin at Susan kaya maingat siyang bumangon upang hindi sila magising. Kinuha ni Carlo ang kanyang naiwang cellphone sa may study table upang tingnan kung may tawag o mensahe siyang natanggap. Hindi naman siya nagkamali dahil punong puno ang kanyang inbox at call registry. Halos lahat ng ito ay galing kay Morris, mayroon iilan mula sa kanyang mga magulang at kay Bullet.

Una niyang binasa ang mensahe mula kay Bullet.

Bullet:
I'm here in my room and I heard you cried. You're such a cry baby.

Hey, that was a joke. I don't mean it.

Things will get better. Trust me, you'll be okay.

No sound of crying anymore. I guess it's about time for me to sleep. Good night cookie virgin.

Good morning crying cookie virgin. Hope you feel better now.

Agad siyang nagreply dito.

Carlo:
Good morning. Sorry at naabala kita ng pag-iyak ko. Hindi kasi sound proof itong kwarto ko. Salamat ulit sa'yo dahil naging magaan na ang pakiramdam ko ngayon. Ingat ka sa pagpasok sa trabaho.

Send. Sunod naman niyang binasa ang mga mensahe ni Morris.

Hubby:
Wifey saan ka nagpunta? Sabi ni Tin tumakbo ka daw papalayo ng bahay. Nasaan ka at pupuntahan kita.

Wifey bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko? Nag-aalala ako sa'yo.

Wifey please text mo ko kung nasaan ka para mapuntahan kita.

Wifey dumaan dito ang sasakyan nung Bullet. Kasama ka ba niya?

Sinabi ni Ma'am Susan kasama mo daw yung lalaki na yan. Saan kayo pupunta?

Wifey...

Wifey nasaan na kayo?

Please sagutin mo ang tawag ko...

Wifey sagutin mo naman ang tawag at text ko sa'yo. Hindi mo alam na labis kaming nag-aalala sa'yo dito.

Wifey alas dose na. Hindi pa ba kayo uuwi?

Wifey hindi ako aalis dito sa labas ng gate hanggat hindi ka umuuwi.

Sabi ni ma'am pauwi na daw kayo. Mabuti naman kung ganun.

Hihintayin kita dito sa labas.

Ang sakit palang makita na may kasama kang ibang lalaki.

Kayo na ba?

Hindi mo na ba ako mahal?

Hihiwalayan mo na ba ako?

Nagseselos ako wifey...sobra...

Namimiss na kita wifey...

Mahal na mahal kita, wifey...

Sumagi sa isipan ni Carlo ang eksena kung saan nakita niya sila Morris at Zoey na magkasama habang masayang nag-uusap kagabi. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang emosyon dahil kung magkataon ay baka humagulgol ulit siya at magising ang natutulog niyang mga magulang. Hindi na nagawa pang magreply ni Carlo kay Morris. Hanggang ngayon kasi ay hindi mawala ang inis nito sa kanyang nobyo. Ibinaba muna niya ang kanyang cellphone at siya ay nagtungo sa banyo upang mag-ayos ng kanyang sarili. Hindi na niya hahayaan na muli pa siyang maapektuhan ngayon ng selos dahil lang sa kanilang dalawa.

The Lustful Neighbor | R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon