Chapter 1

39.2K 531 14

Let me introduce myself first, Im Ayesha Mendez but everyone used to called me Yesha. Currently a college student. Napasok ako sa isang high class university para lang sa mga anak mayaman at mga kilalang tao dito sa Pilipinas. Yes! Tama kayo, mayaman nga kame at ang tinutukoy kong mga kilalang mga tao dito ay yung mga anak ng artista. At speaking of artista, Im also one of them. Im a model. And everyone in the school wants me to be their friend but I declined, Im ok having my 2 bestfriends in the world :)
-----
"Mam Yesha, wake up. Baka po malate kayo sa school nyo" May naririnig akong nagsasalita pero hindi ko pinapansin. Ang sarap sarap ng tulog ko eh.

"Mam? Gising na po kayo, ngayon din po pala dadating ang Mommy at Daddy nyo galing states" And with that, nagising na akong tuluyan. Ngayon pala dadating sila Mommy!

"Butler Roy sure po kayo??" Tanong ko sa kanya habang natayo na sa kama at nagkukusot ng mata.

"Opo, they announced it yesterday." Aww di ko man lang nalaman agad. Di tuloy ako nakapaghanda :/ Tuwing uuwi kasi sila Mommy at Daddy galing sa mga business ventures nila sa ibang bansa, nakasanayan na namin na magplano kung pano sila iwewelcome. Sila kasi yung tipo na minsan lang umuwi dahil sa dami ng negosyo nila located sa ibang bansa pa. Pero sa kabila non, hindi naman nila nakakalimutan na may mga anak silang naiwan dito, dahil a week in a month silang nagsstay sa bahay.

Pagkatapos kong maligo at magbihis bumaba na ako ng hagdan namin at nagsimula ng mag-almusal. It's almost 7:00 in the morning at busy na agad ang iba naming kasambahay para sa pagdating nila Mommy sa bahay mamaya. Nakakapagtaka bakit parang ako lang ang nag-aalmusal ngayon?

"Nay Maria nasan po sila? Si kuya Youj(Yoj) at Hailee? Nag-almusal na po ba yun mga yun?" Tawag ko kay Nanay Maria sa kusina. Kaya nanay na tawag ko sa kanya kasi sa kanya na kami lumaki nila kuya at Hailee.

"Nako mga tulog pa ata! Teka papatawag ko sa katulong"

"Nay Maria wag na po! Andito na po kame ni Kuya!" Si Hailee habang natakbo pababa ng hagdan.

"Hoy bata ka! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo na wag kang tatakbo ng hagdan pag nababa ka?" Sigaw ni Nanay Maria kay Hailee. Hahaha ayan na naman sila. Tuwing umaga laging ganyan yan mga yan gawa ni Hailee.

"Nay Maria naman eh! Malaki na po ako! Hindi na po ako ulit madadapa! By the way ano pong almusal? Hehehe" tatawa tawang sabi ni Hailee habang paupo na sa lamesa.

"Bacon, eggs at hotdog. Mayroon ding fried rice at toasted bread dito."

"Nay Maria bacon, eggs at toasted bread po sakin" Seryosong sabi ni kuya Youj. Kahit kailan talaga masungit at tahimik tong kuya ko.

"Ako rin po Nay Maria pati hot chocolate!" Sigaw ni Hailee.

"Kuya sabay na tayo pagpasok ha" sabi ko sa kay kuya habang inuubos ang juice ko.
"Ok"
-----
After 30 minutes, natapos na rin kumain sila kuya at Hailee. Nagpapaalam na kaming tatlo kay Nanay Maria ng may biglang tumawag sakin.
*ring ring*
"Hello?"

"San ka na babae? Kanina pa kame dito sa may gate ng school kakahintay sayo!"

"Wala man lang 'Hello din'? Eto na paalis na kame ni kuya!" sigawan ko nga din! Aba naninigaw eh!

"Kasama mo kuya mo ngayon?? Nice bagal bagalan nyo muna ha wait lang!" Sabay putol ng linya. Mga malalanding yon! For sure magpapaganda lang yun mga yun! Hay nako!

Nakalimutan kong iintroduce ang mga bestfriends ko. Ang sumigaw sakin kanina ay si Kevin Aquino, isang bakla hahaha at yung nagpatay sakin ng telepono ay si Micah Anderson. Tulad ko isa din model si Micah at si Kevin naman ay isang anak ng business tycoon at kababata ko. Maraming nag-aalok sa kanya na maging model pero ayaw nya at maeexpose daw ang beauty nya -_-

Marrying A Mafia BossBasahin ang storyang ito ng LIBRE!