Chapter 29: Lies

553K 16.8K 5K
                                    


Ailee's point of view


"Can we talk?" tanong ni Anya habang nakatayo siya sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko siya pinansin at nagptuloy ako sa pagsuklay ng buhok ko. Wala akong oras para sakanya. "Bingi ka ba?" lumapit na siya sakin. Nagsasalubong na 'yong mga kilay niya. I'm enjoying this.

"Hindi ako bingi, narinig kita." sagot ko.

"Then why aren't you answering me?" pagtataray niya. Gustong gusto ko talaga kapag naiinis siya ng ganito. "I said, can we talk?"

"Nag uusap na tayo." sarcastic kong sabi.

Mas lalo siyang nainis. Parang gusto ko niya akong sabunutan. "You're so impossible!" sigaw niya. Kinalma niya 'yong sarili niya pagkatapos inayos niya 'yong damit niya. "Gusto ko wag ka nang lumapit sa Angel na 'yon." tinignan ko siya at natawa ako. Inuutusan niya ba talaga ako?

"Paano kung ayoko? May magagawa ka ba?"

"Isusumbong kita kay Mommy at Daddy!" sawnag sawa na ako sa pananakot niya na 'yan. Isumbong niya ako pero wala akong pakialam. Hindi na niya magagamit sakin 'yang pagsusumbong niya. "Ayaw mo silang magalit sayo 'di ba?" naiirita talaga kapag nag aasal bata si Anya. Masyado siyang mapagpanggap.

"Oo ayoko pero hindi pa din kita susundin. Pwede ba? Layuan mo na ako dahil kung hindi sasabihin ko kay Skie ang sikreto niyo." nanlaki 'yong mata niya at biglanh nagkaroon ng takot sa mata niya. Kung inaakala niya na siya lang ang pwedeng mang black mail sa aming dalawa, pwes nagkakamali siya. "Ano pang ginagawa mo dyan sa harapan ko?"

"Kaya mo ba talagang gawin 'yon sakin, Ate?" gusto kong masuka dahil sa pagtawag niya sakin ng ate. Kailan pa ba niya ako tinuring bilang nakakatandang kapatid niya? "Kaya mo ba talagang gawin 'yon sa kapatid mo?" magaling talaga siya magpaawa pero hindi na umuubra sakin 'yon.

"Wag kang mag inarte sa harapan ko Anya. Umalis ka na bago pa ako mainis." tinignan ko siya ng masama. Nag give up na siya sa pagpapaawa niya at tinaasan na niya ako ng kilay. Kanina pa siguro niya ako sinabunutan sa isip niya. May sasabihin pa sana siya pero hindi na niya tinuloy. Subukan niya lang akong inisin. Ilalabas ko talaga ang sikreto nila. Madali lang naman akong kausap, eh.

Ibang iba na siya sa Anya na kilala ko. Malala na siya at kahit anong gawin ko hindi ko na siya mababalik pa sa dati. Isa pa hanggang ngayon, hindi pa din nawawala ang galit ko sakanila. Matatagalan pa siguro bago kami bumalik sa dati ni Anya, 'yon ay kung magbabago siya at babalik siya sa dati na feeling ko imposible nang mangyari.

Bumaba ako at bumungad sakin si Enzo. Nasa sala siya at mukhang hinihintay niya si Anya. Nagtama ang mata namin pero umiwas agad ako ng tingin sakanya. Dumiretso na ako papunta sa labas, sa sasakyan ko pero sumunod sakin si Enzo.

"Ailee," tinignan niya ako diretso sa mata ko. "Pwede ba tayong mag usap?" in demand ata ako ngayon, ang daming gustong kumausap sakin pero wala akong panahon para sakanila. Hindi ko pinansin si Enzo at sumakay na ako sa kotse ko. Nagulat ako ng haraning ni Enzo 'yong pinto at dahil don naipit 'yong kamay niya. "Ouch!" kung masama lang ako, mas lalo ko pang inipit 'yong kamay niya pero hindi naman ako kasing bitch ni Anya.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Nagpaunta talaga ako dito para sayo at hindi para sa kapatid mo." nagpapatawa ba siya? Ano bang problema niya? "Ailee--"

"Ano bang gusto mo?" inis kong sabi. "Lubayan mo nga ako."

"Gusto lang kitang makausap, please." mukhang hindi talaga siya titigil sa pangungulit sakin. Pagbibigyan ko siya ngayon para tigilan na niya ako. "Sige na, please."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon