Untitled Part 4

57K 1.3K 14
                                    

https://m.dreame.com/novel/0uXYvw+v6uGGXxAaczZviw==.html

"Wow taba! In fairness ang ganda at sexy mo! " puri ng kuya Allan niya.Nakaupo ito sa sofa nila kakwentuhan ang ate nila.

"KUYA? May lagnat ka?" sabay hawak sa noo ng kapatid.Ngayon lang siya pinuri nito eh.

"Di kaya may nakaing kakaiba yang si Allan?" biro ng ate Lena nila.Ito ang panganay sa kanilang tatlo.

Kakalabas niya ng kuwarto niya.Ngayon na ang binyag ni baby Ethan.Talagang pinaghandaan niya ang araw na ito.Sabi kasi ng bestie niya dapat extra ganda at sexy siya.

Naka-mini dress siya na dark blue and wedge pump na halos katerno ng damit niya.May dala siyang clutch bag na itim .Kitang-kita ang kaseksihan niya sa suot.Sinong mag-aakala na halos parang hour glass ang shape ng katawan niya ngayon?

Nagpaturo siya dati kay Shelly ng paglalagay ng make-up.Tama nga pala ang bestie niya.Hindi kailangang mag-make up ng makapal .Akala niya dati hindi babagay sa kanya ang red na lipstick.Now she realized na basta maganda ang kulay ng lipstick at maganda ang shape ng kilay ,bongga na! Tinuruan din siya nito kasi ng pag-shape ng kilay.Buti na lang hindi na niya kailangan ng cheek tint or blush on dahil natural na mamula-mula na ang kanyang pisngi dahil sa healthy lifestyle niya and super alaga nga kasi siya sa sarili niya ngayon.

Nag-spray siya ng DKNY's Be Delicious Fresh Blossom Eau de Parfum.Tignan niya lang if hindi lalo madagdagan ang appeal niya sa amoy niya.

Pumalatak ang mama nila pagkakita sa kanya.Galing ito sa kusina.

"Anak! Napakaganda mo! Ewan ko lang if hindi ka maging center of attraction mamaya sa binyag." her mother commented.

"Kundi lang kita kapatid at hindi ko nakita ang paghihirap mong magpapayat  iisipin ko na salamat doktor ka eh!" pangaalaska ng kuya niya.

"Pwede mo ng kantahan niyan ng Beh Buti Nga ang mga nanlalait sayo dati." nakangiting sabi ng ate niya.

"Taba! Tibo ka ba?Bakit hanggang ngayon wala kang boyfriend? Madami na namang nanliligaw sayo.Aba kasing-idad mo lang si Shelly pero siya may asawa't anak na.Eh ikaw no bf since birth!Pikutin mo na kasi si Matt!"

"Allan!" saway ng ina nila."Kung ano-ano ang sinasabi mo sa kapatid mo!" sabay iling ng mama nila.

Pat sighed."Hay naku kuya,hindi naman minamadali yun eh.Eh sa ayaw ko pa,bakit ba?Bata pa kaya ako." sabay irap sa kapatid niyang alaskador.

Nagkamot ito ng ulo,"Kung nag-boboyfriend ka na kasi para hindi mo ako ginagawang driver pag may lakad ka.Tara na nga baka mahuli ka pa!" sabi nito bago humalik sa mama nila para lumabas na.

"Hayun! Lumabas din ang totoo! Ang dami mo pang sinabi kuya eh!Pwede mo ngang gamitin ang kotse ko sa date mo mamaya." inis na sagot niya.Mahilig kasi itong magpasikat sa mga pinopormahan nito.Paiba-iba ang gamit na sasakyan.

Hindi na kasi siya magdadala ng sasakyan.Kasi may usapan din naman sila ni Matt na siya ang susundo sa kanya mamaya sa venue.May lakad sila.Nagpapasama ang kaibigan sa birthday naman ng pinsan nito.Isasama sana niya ito ngayon kaso nag-pa drive ang mommy nito.

Mula nung mag busy si Shelly,halos si Matt ang nakakasama niya sa lakaran.

"Ma,alis na po kami."Paalam sa ina bago humalik sa pisngi nito."Te Lena," sabay kaway sa ate niya.

Madami ng tao sa simbahan.Buti na lang malapit ang parking na nakita ni Alex.

Naka brown na long sleeves siya and black pants.Naka-leather itong sapatos na itim.

Hugo Boss ang gamit niyang pabango.

Hindi niya pansin ang pagbubulungan ng mga babaeng nadadaanan niya.

I'm His Destiny (complete in BabelNovel and Dreame)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon