Prologue

113 5 0

Karen's POV

"Yah! Ang sakit nun ah." Napakamot ako sa ulo kong binatukan ng magaling kong bestfriend. Sino pa ba?

"E kasi naman binatukan mo rin ako eh." Nag-pout siya sabay walk-out.

Tss, 4th year na kami wala pa rin pagbabago.

Kumuha ako ng gate pass sa SSG room at lumabas ng school. Pumunta ako sa convenience store na nasa harap lang ng Southmoor University at bumili ng mga pinapabili ni Dean. Hindi ko naiwasan sumilip sa loob ng S.U, ano kaya ginagawa nila ngayon?

Habang pinapabalot ko yung mga binili ko, nakarinig ako ng chismisan sa table 'di kalayuan sa pwesto ko. Mga grupo ng lower year sa Southmoor HS.

"Sino siya? Kilala mo?" Kunot noo akong pasimpleng nakinig sa usapan nila.

"Yes, Karen Francisco. And she's dating an idol from Southmoor University. Astig diba?" Kailan pa ako naging topic ng chismis dito? Gosh. Ang dami na talagang nagbago simula nung maging trainee under MS Ent. ang Empires.

Bago ako lumabas, tumingin ulit ako sa kanila at pasimpleng ini-scan ang itsura nila. Umiwas lang sila ng tingin at nagpatuloy sa pagkekwentuhan.

"I'm dating an idol?" Tanong ko sa sarili ko pagkalabas ko sa convenience store.

***

"Karen, nagawa mo na ba yung paper works? Hinahanap na ng principal e." Si Maris agad sumalubong sa 'kin pagpasok ko ng SSG room. Aish! Sakit sa ulo ng mga requirements wala naman ibang tumutulong sa 'kin dahil busy yung ibang SSG para sa mga darating na school events.

"Oo nga pala, sige ako na bahala." Patay kang bata ka, saan mo nilagay 'yun?

Mabilis kong nilapag yung pinabili ni Dean sa table at lumabas para hanapin yung mga papel. Kahit graduate na si Dean, may mga times na tinutulungan niya kaming mga senior student council sa mga mabibigat na trabaho dito sa Southmoor. Minsan nga siya na ang gumagawa ng trabaho ni Maris imbis na mag-focus siya sa pagaaral niya. Ang sweet boyfriend talaga ni Dean.

Malapit na rin pala yung election ng student council para sa lower year, it means matatapos na rin ang sakit sa ulo ko. Goodbye, SSG position.

Saan ko ba kasi naiwan yung mga papers?

Bumalik ako sa classroom kung saan ako galing kanina bago ako lumabas ng school. Ini-scan ko ang paligid at iba sa inaasahan ko ang nakita ko.

8 months na ang nakalipas since ang huling beses ko siyang nakita. Maraming nagbago sa physical na itsura niya. Ang dating dark brown na buhok, ay naging blonde. Mas lalo rin siya naging manly. Epekto siguro 'to ng impluwensiya sa college at ng pagiging trainee nila.

"Jerome," Nakatayo siya sa harap ng pinto habang hawak yung mga papel na hinahanap ko.

"Is this yours?" Lumapit ako sa kanya at kinuha yung papel.

I don't know, pero kahit 8 months na ang nakalipas nanghihina pa rin ako sa tuwing nakikita ko siya. Hanggang ngayon paulit ulit kong tinatanong sa sarili ko kung bakit ako? Bakit?

"Kamusta?" Automatic na lumabas sa bibig ko.

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong okay ako." Napatingin ako kay Jerome. Naalala ko ulit yung gabing 'yun. Ganyan din ang emosyon' nabasa ko sa mga mata niya.

"Jerome, boyfriend ko si---" Nawindang ang sistema ko ng yakapin niya ako. Bakit mo ba 'to ginagawa Jerome Mercado? "I Know."

"I'm here para ayusin 'to. Let's be friends again Karen. Just like before. Walang ilangan or kahit na ano." Kumalas ako sa pagkakayap niya.

MCB2: I'm Dating An IdolBasahin ang storyang ito ng LIBRE!