Bitbit ang hawak na flashlight, may nakitang kahon si Bella na tila pagmamay-ari ni Helen. Binuksan niya ito at nakita ang iba’t-ibang sulat na nakapaloob dito, mga love letters para kay Helen na nanggaling sa isang lalaking nagngangalang Leo.

Binasa ni Bella ang mga sulat…

“…Mahal kong Helen, alam kong isa lamang akong mahirap na tao na hindi nababagay sa katulad mo… Pero ito ang tatandaan mo, mahal na mahal kita ano mang mangyari. Kahit pa ilayo ka ng mga magulang mo sa akin, gagawa ako ng paraan para makapiling ka…”

“…Mahal kong Helen, nasaan ka man ngayon… palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita…”

“…Mahal kong Helen, palagi kang nasa puso ko… Wag kang mag-alala, magsasama rin tayo balang araw…”

“…Mahal kong Helen, ang gabing iyun ang pinakamasayang pangyayari sa buhay ko… Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nating pag-iibigan…”

“…Mahal kong Helen, sabihin mo sa akin… Totoo ba? Totoo ba ang bali-balita?”

“…Mahal kong Helen, kung ako man ang ama ng bata, pananagutan ko to. Sabihin mo lang sa akin ang totoo…”

“…Mahal kong Helen… Mahal kong Helen…”

“Paalam, Helen… Ito na ang magiging huli kong sulat…”

“…Nagmamahal, Leo.”

Pinag-isipan ni Bella ng mabuti ang mga nabasa niya. Nagulat siya sa mga sulat na yun. Ang alam niya’y mag-isang tumanda si Helen. Sino si Leo? At ano ang tungkol sa bata?

Habang inuusisa niya ang mga tanong na yun, may biglang dumaan sa harapan niya. Mabilis na tila anino. Naramdaman niya yun dahil sa pagyapak ng paa at ang hangin na mabilis na dumaan. Mabilis niyang tinututok ang ilaw ng flashlight sa parte kung saan may dumaan. Wala siyang nakita. Inikot niya ang flashlight sa madilim na paligid ng basement. Habang umiikot ang ilaw ay ramdam niya ang takot.

Dahan-dahan ang pag-ikot niya. Ang nakikita niya pa lamang ay mga lumang kagamitan at karton na nakatambak.

Bigla…

Sa muling paglihis ng ilaw ng flashlight ay may tumambad sa harapan ni Bella, “Aaaaaaaaaahhhhh!!!!!!!!!!!”

“MA! MA!!!!”

Napahinto si Bella sa pagsigaw nang marealize niya na si Mico lang pala.

“Haaaaaah…Haaaaah…” hiningal pa si Bella dahil sa pagsigaw, “…ikaw lang pala, Mico. Tinakot mo ko. Anong ginagawa mo dito?”

“I’m sorry to scare you, ma… Eeehh… Nandito kasi ang mga kaklase ko. Magpapaalam sana ako sa’yo kung pwede sila sa kwarto.”

“Okay, sige. Bahala ka… Pero ayoko ng magulo ha.”

“Yess! Love you, ma!”

At mabilis na umakyat si Mico sa taas. Sumunod naman si Bella bitbit ang kahon na naglalaman ng mga sulat ni Helen.

----------

“Dala mo ba, Tyron?”

“Oo naman… Gusto mo ilabas ko na?”

“Sandali lang guys… Baka makita tayo ni mama.”

Habang nandoon sa loob ng kwarto ni Mico ang kanyang mga bagong kaibigan ay kumatok bigla si Bella sa pintuan at binuksan ito… “Mico?”

“Ah! Ma, bakit?” tanong ni Mico nang makapasok si Bella sa kwarto ng anak at nakita ang mga kaklase nito.

“Hi Mrs. Alvarez.” Ang bati ng apat na kabataan.

KILLER.COMWhere stories live. Discover now