Chapter 27

173K 7K 2.6K
                                                  


3 chapters to go. Happy Ending or not? Uhmm...


CHAPTER 27.

Namamaga yung mga mata ko kinabukasan nang magising ako. Mabuti nalang walang pasok ngayon kaya hindi ko kailangan lumabas ng bahay. Kahit maaga akong nagising, nagkulong lang ako sa loob ng kuwarto ko. Nakahiga lang ako at pinipilit ulit matulog ang sarili. Ang pagtulog lang kasi ang tanging paraan para makatakas ako sa reyalidad ngayon. Sa isang masakit na reyalidad.

Paulit-ulit lang akong natulog. Kahit hindi na ako inaantok, muli kong ipinipikit yung mga mata ko. Gusto kong makalimot. Gusto kong siyang makalimutan. Pero napaka-impossible ng gusto kong mangyari.

Paano ko makakalimutan yung taong nagbigay sa akin ng sobrang daming alaala? Mga alaalang puro pagkukunwari at kasinungalingan lang pala.

Nasasaktan talaga ako ngayon. Langya. Ang sakit. Parang paulit-ulit tinutusok 'tong dibdib ko sa sobrang sakit. Hindi mo matanggap na pinagtitripan lang ako ng lecheng yun. Bakit ba kasi ako nagpauto? Bakit ba kasi ako nagtiwala sa gunggong na yun?

Ito tuloy ako ngayon nasasaktan. Nagmukhang tanga. Nahihirapan.

Totoo nga talaga yung kasabihang kung sino ang unang ma-inlove, siya ang talo.

Tumayo ako at humarap sa salamin. Nakita ko ang sarili kong imahe. Nakita ko sa sarili ko yung itchura nung mama ko noon. Yung paulit-ulit nasasaktan nang dahil sa walang kwenta naming ama. Bago pa muling pumatak yung mga luha ko, iniwas ko na yung tingin ko sa salamin.

Nagpalit muna ako ng damit. Palabas na sana ako nang pintuan nang makita ko yung mga buhok ko na nagkalat sa sahig. Dinampot ko ito saka tinitigan ng ilang segundo. May panghihinayang akong naramdaman dahil matagal ko itong pinahaba. Ilang shampoo at conditionaire rin ang naubos ko rito.

Pero para makalimot, kailangan ko itong gawin. At least kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko. Itinapon ko sa basurahan yung buhok at tuluyan ng lumabas ng kwarto.

Paglabas ko ng kuwarto bigla akong nagulat na makita ko si Ross na nakaupo sa sala habang kaharap si Kuya John at Kuya Joseph. Yung mga manloloko may meeting de avance. Siguro nag uusap-usap sila kung sino ang gagawin nilang President? Baka kailangan nila ng tulong ko. Willing akong tumulong.

"Anong ginawa mo sa buhok mo, bunso?" gulantang na tanong sa akin ni Kuya John. Napatayo pa siya.

Si Ross naman napatayo rin habang titig na titig sa akin. Ang kapal ng mukha. May lakas pa siyang titigan ako ng ganyan pagkatapos ng mga sinabi niya kagabi? Ano bang ginagawa niya ritong leche siya.

"Hindi ba obvious? Ginupitan ko," yamot kong sagot. "For a change."

"Hoy, MJ. Yang bibig mo sumosobra na ha! Nawawalan ka na ng galang." sermon naman ni Kuya Joseph sa akin. Walang gana ko siyang tinignan.

Iniwas ko na yung tingin ko sa kanila. Dumiretso na ako sa banyo. Paglabas ko, nagtungo naman ako sa kusina. Napansin kong nakatayo si Ross sa likuran ko kaya tinignan ko siya ng masama.

"Tombs, bakit mo ginupitan yang buhok mo?" malumanay niyang tanong. Titig na titig siya sa akin.

Parang ang dami niyang gustong sabihin sa akin. Pero hindi na dapat ako magpa-uto sa kanya. Minsan na akong nalunod sa mga tingin niyang ganyan na puro kalokohan lang pala.

Napansin ko rin yung gilid ng labi ni Ross. Parang namumula. Parang may sumuntok. Sino naman sumuntok diyan? O baka naman nakarma na si gagu.

"Trip ko lang. Katulad ng pangti-trip mo sa akin," kaswal kong sagot "Anong ginagawa mo rito? Hindi ito ang bahay nila Donna. Ayun ang pintuan palabas ng bahay, makakaalis ka na."

Lesbi In Love (Wattys 2015 Winner) (Published Under Rebel Fiction/ PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon