Chapter 7: I Love Him

2.4K 62 4

Kailley's POV


Nananaginip si Nathan. Sino si VenVen? Siguro siya yung mahal ni Nathan. Hays ang sakit talaga kapag ikaw lang ang nagmamahal. Wala naman akong choice ito ng gusto ng puso ko, ang tanga ko!

Bat ganun na lang siya lagi sakin. Di na naman niya ako pinansin. Wala naman akong sakit na nakakahawa. Di naman ako mabaho kasi araw araw naman akong naliligo at nagtotoothbrush din naman ako. Lagi na lang siyang ganyan, lahi siyang cold.

At tsaka tao naman ako para di niya makita. Grabe ka talaga Earth naloloka ako

Itutulog ko na lang to para mawala na ang mga iniisip ko



Third Person's POV

"Nahanap nyo na ba ang pinapahanap ko sa inyo" tanong ng lalaki

"Opo boss at sa tingin ko magiging masaya kayo sa kakalabasan nito" sabi naman ng kanyang butler. Napangisi ang lalaki sa narinig niyang magandang balita. Sa wakas unti-unti nang nabubuo ang plano ko.

"Good, you may go now" utos ng lalaki at umalis na ang kanyang butler.

Masaya ang lalaki sa binalita ng kanyang butler dahil kapag bumalik ang taong kanyang pinahahanap ay siguradong mapapasakanya na ang pinakamamahal nyang babae

Hindi siya papayag na tuluyang mapasakamay ng kanyang dating kaibigan ang babaeng minahal nyang lubusan.

Magbabalik na ang taong labis nyang hinintay para sa babaeng mahal nya at gagawin nya ang lahat para maging kanya ito

"I'll make you mine again"

Kailley's POV

"Girl di mo ba alam ang balita?" sabi ni Vella habang umiinom ng juice. Ang takaw nya talaga.  Kanina pa siya kain ng kain.

"Anong balita naman yun? Di ako updated no at di ako tsismosa" sabi ko sa sarcastic na boses kaya napairap na lang siya.

"So tsismosa pala ako girl ganun" tanong nya sabay subo ng fries. Gutom talaga tong babaeng to

"Hindi naman sa ganon Vella. Oh anung balita ba yun" tanong ko kasi baka kung san na naman mapunta ang usapan namin.

"Buntis daw si Mitch" sabi nya

"Anong gagawin ko? aalagaan? papakainin? papaliguan? kumadrona?" Ano naman kasi ang gagawin ko kong buntis sya di ba tss.

"I'm serious here Kailley Venice Foroe" seryoso nga sya kasi kapag binanggit nya buong name ko alam kong seryoso na yan.

"I'm serious too Vella, Ako ba ang nakabuntis sa kanya" Tanong ko sa seryosong tono. Ano ba ang ang gagawin ko?

"Hindi" oh hindi naman pala eh

"Hindi naman pala eh. Ano ba ang big deal dun?" May pagkairita na tanong ko

"Ang point ko kasi dun eh baka si Nathan ang ama ng kanyang anak" sabi nya sabay tingin sa akin para tignan ang reaction ko. Si Nathan ang ama? Paano?

Ay kailangan pa ba ielaborate ng milagrong ginawa nila? Hala nagsasalita utak ko

"A-a-a si-g-ge aalis na ako" pakiramdam ko na kung may ano na gustong kumawala mula sa mata ko. Naramdaman ko nang may mainit na bagay na umaagos sa pisngi ko

Umiiyak ako

Dapat ba akong magalit dahil may asawa na sya at binuntis ang iba 

Pero wala naman akong karapatan dahil asawa ko lang sya sa papel

Sobrang nasasaktan ako nagyon

Ganun na ba sya kagalit sa akin at nagawa nya yun. Di man lang nya ako nirespeto 

Sabagay di nga ako pinapansin nun eh

Dapat man lang nirespeto nya ang magulang nya at baka masira ang reputasyon nila ng dahil sa ginawa nya

Sobrang sakit ng ginawa nya ... Mahal ko na nga talaga sya

Pero tanggap ko na na di nya ako kayang tanggapin at lalong tanggap ko na ... Na di nya ako kayang mahalin


Ms_CupcakeLover

My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!