Chapter 28: Ice cream

3.2M 69.8K 27.4K
                                    


"Hoy, Betty!"

Hingal na hingal na siya, parang anytime ay mawawalan na ng malay. Hinawakan nga niya 'yong braso ko, e. Inalis ko naman agad 'yong kamay niya. Eww, kadiri, ah!

"Ang arte mo naman! Kaunting lakad lang, pagod ka na? At huwag mo nga akong hinahawakan."

"Ako, hinahawakan ka?!" Inalis niya bigla 'yong kamay niya. "Huwag ka ngang nag-iilusyon! Tsaka, teka lang, parang mali 'to, ah."

Hindi raw? E, ano kayang tawag niya ro'n? Abno talaga. Hinawakan niya 'yong bewang niya tapos tinaasan ako ng kilay. Ano na naman bang kaartehan 'yon? Sa lahat ng lalaki, siya 'yong pinakamaarte.

"FYI, Candice Gonzales, AKA Betty, ikaw 'yong humihingi ng favor sa 'ting dalawa, tapos ikaw pa 'yong nagagalit? Wow, ha?"

In the first place, bakit kasi siya pumayag na sumama? Aish! Stupid Jeydon! "Ano ako, stupid?" Ay, napalakas pagkakasabi ko. "Bakit ba kasi ang arte mo, ha? Kaunti pa lang naman ang nilalakad natin, hingal na hingal ka na agad diyan." Sige, maggalit-galitan ka, Candice, para hindi siya makapalag. In the first place, dapat natuwa pa nga akong nahihirapan siya, e. At least, nakaganti na ako nang paunti-unti sa mga pang-iinis niya sa 'kin.

"Kaunti? E, nalibot na natin 'tong mall, e!" Sobrang lakas ng boses niya.

Huhu! Ginalit ko na 'yong dragon. Parang bumuga na siya ng apoy sa galit. Pati tuloy 'yong mga taong dumadaan, napatingin sa 'min. Anong gagawin ko? Baka mamaya, bigla na lang akong suntukin ni Jeydon. Abnormal pa naman 'yon.

"Uhm, ano kasi... hindi ko mahanap 'yong pet shop, e."

"What?! E, bakit hindi mo agad sinabi?"

"Hehe, kasi ano..."

Hindi na ako pinagsalita ni Jeydon. Hinawakan niya bigla 'yong braso ko. Noong pagkahawak nga niya sa 'kin ang init ng kamay niya. Bakit kaya? Huhu! Sabi ko na, dragon 'tong lalaking 'to e, galit 'yong dragon kaya nag-iinit. Nakakatakot!

Kinaladkad niya ako papuntang pet shop. Alam ko naman talaga kung saan 'yong pet shop doon, kunwari lang na hindi para matagalan kami.

"Bilisan mong bumili."

Parang may mali sa abnormal na 'yon? Ano kaya 'yon? Kanina ko pa napapansin, e. Hindi na lang ako nakipagtalo. Kawawa naman kasi siya, mukhang pagod na nga siya. Gano'n ba kalayo 'yong nilakad namin? Bakit ako, hindi naman napagod? Hmp.

Hinanap ko agad 'yong dog food ni Cholo. Dapat talaga isang sako 'yong bibilhin ko kaso nakakaawa naman 'yong abnormal na 'yon. Baka sabihin pa niya, wala akong puso.

Habang nasa counter ako, may inabot naman siya sa 'king cat food.

"Ano 'to?"

"Pagkain ng pusa."

Psh! Pilosopo. I know, okay? "Alam ko. Anong gagawin ko riyan?"

"Try mo kayang kainin? Cat food nga, 'di ba?"

"Jeydon!"

Napatingin sa 'min 'yong mga tao pati 'yong dalawang cashier. Nakakahiya, huhu! Lintek kasing Jeydon 'yon, e. Gusto ko nang sapakin. Lagi na lang akong pinapahamak.

"Sabi ko naman kasi sa 'yo huwag mong pinapahiya 'yang sarili mo sa harap ng maraming tao," sabay kindat pa. Argh! Nakakainis talaga siya.

"Tumigil ka na nga!"

"Para 'yan sa cat ko, stupid. Isabay mo na lang."

"'Yon naman pala, e. Bakit hindi mo agad sinabi?"

The Four Bad Boys And Me (Published with Series Adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon