"Mom! Ayoko!"

"Steff, may magagawa ba ako? Eh kasalanan mo rin yan."

Err! Nakakainis! Ako na naman may kasalanan! Meron na naman akong Marriage Interview! Shet! Yeah right. Yung appointment na tinutukoy niya ay yung marriage interview.

And yup, meron na NAMAN. Nung 14 years old rin kasi ako, nagkaroon rin ako ng Marriage Interview. Tss, imagine?! 14 years old pa lang ako nun ha! Tapos, uulit na naman ngayon! Aish! Bakit ba kasi gustung-gusto nilang mapalawak yung business nila?! She got this idea from a friend of hers na yung daughter eh lagging umaattend ng marriage interviews. Nakakainis lang kasi ginagawa niya sa akin at kay Venice 'to ngayon.

"Mom! Ayoko talaga!"

"You are going, whether you like it or not!"

Kaya ayokong umuuwi ang nanay ko sa Pilipinas eh! Lagi nalang ganito. Laging siya nasusunod! Si daddy naman, ayaw magreklamo. Oo. Under yan mommy kahit hindi halata. Pero I really need to get out of this situation. Ayoko nang umattend ng kahit anong marriage interview! Fine. I'm gonna use my secret weapon.

"Mom, uhmmm.. I... I think I'm having a crush on someone." Pagkasabi ko nun, biglang lumapit sa amin si Ven at si Dad. Nagulat nga ako sa mga reaction nila eh. Si mommy halos mapatid na ang labi sa sobrang ngiti. Si daddy naman parang nakakita ng multo. Then si Venice nakangiti ng nakakaloko at pataas-taas pa ang kilay.

Ugh. Siguro naman ligtas na ako? Ayoko talagang umattend! Eh di sinabi ko nalang na may crush ako. Akala kasi talaga nila sa akin eh tatanda akong dalaga since wala man lang daw akong naging crush nung high school. Ay naku. Hindi ba pwedeng choosy muna?

"Okay dear, I-cacancel ko na yung appointment mo. Mabuti naman at nakahanap ka na! I'm so happy for you!" Eh? Sabi ko crush lang di ba? Bakit parang papakasalan ko na? Adik ni mommy.

Matapos ang matinding pag-uusap, umakyat na ako sa kwarto ko. Nagshower sandal tapos nagbihis na ng pantulog. Ngayon lang nagsink-in sa akin na sembreak na. Akalain nyo yun? Tapos na ang 1st sem. Ang bilis.

Nag-net muna ako. Dahil tinatamad akong mag-facebook, pumunta nalang ako dun sa underground website. Andaming tsismis dun eh! Pag-open ko, halos mapatayo ako sa nakita ko.

Another Royalty Date: Darryl Ian Garcia and Tiffany Damian.

(Tapos may picture. Eto ata yung shot ni Jess ah?!)

Some students spotted these two dating at SM. They saw the campus prince buying plenty of chocolates for the campus princess. They also saw Ms. Tiffany holding Mr. Darryl's hand while taking the escalator.

So romantic right? As her best friends are always saying, "StefIan is real". What do you think guys?

Napanganga nalang ako sa nabasa ko. Yun talaga yung bumungad sa akin eh. Bakit ba lagi nalang?! Lagi nalang kaming nandito sa lechugas na underground website na 'to?! At ano daw? Stefian?! Anong kalokohan yan?! San nila hinugot yan?!

Pinatay ko nalang yung laptop ko. Masyado akong nafrustrate sa mga nabasa ko. Psh. Lagi nalang Darryl! Darryl! Darryl! Bakit ba lagi nalang siya?! Nakakainis.

Teka nga, bakit ba napasok sa usapan yung Darryl na yun? Erase! Erase! Matutulog na lang ako! Sobrang nakakapagod ang araw na'to. Pinikit ko nalang yung mata ko.

"Tulungan mo naman akong mag-move on oh? Please?"

Matutulog na talaga ako. Ano bang pinag-iisip ko?!

"...asawa pala kita! Tara na nga."

Ano ba Steff! Matulog ka na sabi eh!

"Lumayo ka nga!"

Ugh. Patulugin mo na ako please?! Lumayas ka nga sa utak ko!

"Ow, sorry. Sumandal ka kasi sa balikat ko kaya nahawa ako at inantok rin."

UTANG NA LOOB DARRYL! Patulugin mo akong hayup ka! Lubayan mo utak ko! Ugh!


***

Campus Royalties (Kingdom University, #1)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!