Chapter 26

161K 7K 4.3K
                                              


Comment powsxz!



CHAPTER 26.

Kahit na kanina pa sumasakit ang dibdib ko sa nakikita kong ayos ni Donna at Ross ngayon. Kahit kanina ko pa nararamdaman yung mga luha kong malapit nang lumabas. Kahit kanina pa kumikirot ang puso ko sa nakikita ng mga mata ko. Hindi ko pa rin magawang ialis ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ilang minuto na akong nakasilip sa pintuang ito na parang pinapanood ang romantic scene ng mag syota.

Napangiti ako ng mapakla. Ang tanga ko lang talaga. Ang tanga-tanga ko lang talaga kahit kailan. Bakit ba kasi ako naniwala sa mga pinagsasabi ni Ross? Bakit naniwala ako sa mga matatamis niyang salita? Bakit nagbulag-bulagan ako sa mga hinala ko? E, obvious naman na si Donna lang talaga ang gusto niya. Si Donna lang ang gusto niya simula pa lang.

Huminga ako ng malalim at unti-unti na sanang isasarado ang pintuan nang ma out of balance ako dahil sa suot kong heels. Nabunggo tuloy ng balikat ko yung pinto kaya bigla itong bumukas at gumawa ng ingay. Gulat na napatingin si Ross sa akin at si Donna. Sabay silang nawindang at napatayo.

Hindi ko alam kung nagulat ba sila dahil sa ayos ko ngayon o nagulat sila dahil nakita ko sila na nasa ganung posisyon. Kung ano man ang kinagulat nila wala akong pakialam. Mga pakyu sila.

"To—tombs!" nauutal na sabi ni Ross sa akin "Anong ginagawa mo rito?"

"Ako dapat nagtatanong niyan sa'yo. Anong ginagawa mo dito? Kailan pa naging basketball court 'tong bahay nila Donna tupang gala ka?" galit kong sagot.

Tumingin naman ako kay Donna.

"Pumunta ako dito para sana makipag-ayos sa'yo. Kaso, useless lang pala since mukhang busy kayong dalawa ng hinayupak na 'to at naistobro ko pa kayo. So, nevermind."

"Wait, bessy. Nagkamali ka lang ng intindi. Walang—"

"Huwag mo ko matawag-tawag na bessy. Hindi ikaw yung bessy na nakilala ko." tinignan ko si Ross "Ikaw leche ka. Kung pinaglalaruan mo lang ako sana sinabi mo. Edi sana nasabayan kita."

Nagsalita si Ross. Mukhang naaasar ang hayuf. "Ano ba, tombs? Makinig ka nga muna!"

"Ulol. Wala akong dapat pakinggan sa'yo. Tama na, Ross. Bistado ka na. 'Di mo na'ko magogoyo."

Tumalikod na ako at dali-daling bumaba ng hagdanan nila Donna demonyita. Nahirapan pa akong bumaba dahil naka-heels ako. Kaya huminto ako saglit saka tinanggal ang punyemas kong heels.

"Bwisit na heels 'to. Dumadagdag pa sa init ng ulo ko," aniya ko.

"Ano ba, Mary Jovelyn. Hintayin mo ko. Mag-uusap tayo!" sigaw ni Ross sa akin.

Kapag tinatawag akong Mary Jovelyn ng jejemon na 'to ibigsabihin badtrip na siya. Pero wala akong dapat ikatakot sa kanya. Masasapak ko talaga siya ngayon.

Mas lalo ko binilisan ang paglalakad ko at paglabas ng bahay nila Donna. Hindi pa ako nakakalayo nakita ko na agad si Ross na tumatakbo at hinahabol ako. Sa likuran niya nakasunod si Donna at humahabol din sa akin. Dahil malalaki kung humakbang si Ross, nahabol niya rin ako. Nahawakan niya ako sa braso.

"Ang hilig mong tumakbo! Sinabing mag-uusap tayo e!"

"Wala tayong dapat pag-usapan! Bitawan mo ko!" pero 'di niya ako binitawan "Isa punyeta ka!"

"Magpapaliwanag ako, tombs. Hindi—"

"Wala akong pakialam sa paliwanag mo. Ano ba?" nabitawan ko yung heels "Tang'na naman Ross!"

Lesbi In Love (Wattys 2015 Winner) (Published Under Rebel Fiction/ PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon