Chapter 5: P.A.

1.5K 34 8

Chapter 5: P.A.

Maganda ako, mayaman ako, sexy ako sadyang si Zuriel ang hindi nakakapansin dahil bulag siya. Mabait ako, As-in Ideal Girl na daw.

 

 

Tapos, tapos, Magiging P.A. lang nang isang unggoy na nakatakas sa kulungan nya?! Eto na ang pinaka nakakatawang nangyari sa buhay ko! Swear!

 

"Aray!" Na-tauhan ako sa pag-iisap ng natapilok ako. 4 inc. high heels ko eh. Tapos kung makahatak pa 'to parang may hinahabol. Oo hinatak niya ako palayo sa mga Gotcha Girls. Habang ang mga Gotcha Girls ayun iyakan ng iyakan. Gusto ko na sanang bigyan ng bulaklak at sabihing 'Condolence'

"Nangyari sayo?" nakakunot-noong tanong ni Zuriel. Ang Monggoloid niya. Monggi na tawag ko sakanya.

"Na-tae" HELLO! Obvious naman di ba? natapilok ako? Tss.

"Stop joking."

"Halata naman kasi na natapilok ako di ba? Magtatanong ka pa!"

 

Maglalakad na sana ako ng biglang sumakit paa ko. At dahil sumakit paa ako, natumba ako aakalain ko pa naman may sasalo sakin katulad sa mga palabas pero wala eh! Tuluyan akong natumba at nahulog sa lupa. Ouch. Ang sakit ng pwet ko.

 

"Anong arte yan? Laglag-laglagan?" sabi ni Unggoy slash Monggoloid while crossed arm pa.

"Hindi! Unggoy-unggoyan!"

"Get up! You look like a stupid."

"ANG SAKIT KAYA NG PAA KO?! SA TINGIN MO MAKAKATAYO PA KO!"

 

Tinignan ko sya ng masamang tingin. Kung nakakapatay ang tingin malamang binuburol na si Monggi.

 

"Arggh! Nakakainis ka!" sigaw ko at binato ko sakanya yung bato sa tabi ko. Nakakainis na eh! Hindi nya pa ko tinulungan.

"Shit!" Napahawak sya sa ulo nya at dahan dahang lumuhod. Ay ang O.A. naman nito. Para namang nasaktan talaga. Pero baka nga nasaktan?

 

Tumayo na ko at sinilip sya at. Oh My Goly lang! Dumudugo yung ulo nya! Ano gagawin ko?! Lagot! Lumapit ako sakanya.

 

"Ay! Hala! Sorry! Hindi ko sinasadya, ikaw naman kasi eh." natataranta na talaga ako. Somebody help me naman oh!

 

 

"Class Hour ah! Bat nandito pa kayo sa labas?" Napatingin ako dun sa nagsalita.

"Weh kuya! Feeling officer?" sabi ko lalaking papalapit samin. Di naman kasi pamilyar yung mukha nya. Kilala ko lahat ng officer at hindi sya kasali dun.

"I'm a new President council." proud na sabi niya at pinakita pang yung ID niya na may nakasulat sa taas na 'President Council'

"Ows talaga?"

"Ano ba! Makikipagchikahan na lang ba kayo dyan?!" Ay oo nga pala dinudugo si Monggi.

 

"Oy pare ikaw pala yan!" sabi naman ni nung lalaki. Magkakilala naman pala 'to.

 

"Hoy kuya, tulungan mo naman akong idala 'to sa clinic. Dinudugo eh." napakunot-nno yung lalaki at tinignan si Monggi.

"Ha?! Kaylan pa nagkaroon ang mga lalake? Pare di nga! Nagpasex-change ka?" nasapo ko ang noo ko. Naku! Kasi naman! Mali sentence ko.

 "I mean, dumudugo yung ulo nya!" tumango-tango siy at tinulungan na nya si Monggi na makatayo. Masyado bang napalakas yung bato ko?

"Ano bang nangyari?" tanong nung lalaki habang akay-akay si Monggi.

"Nabato ko sya."

"Binato kamo." Binatukan ko nga! Ang ingay kasi. Tska siya naman ang may kasalanan.

"Letche ka! Manahimik ka na nga lang!"

"Araaay! Baliw ka ba? Dumudugo na nga ulo ko binatukan mo pa ako!"

"Ikaw kasi eh." nanahimik na lang ako.

Pumunta na nga kaming clinic. At sabi naman nung doctor ok na daw si Monggi. Kaylangan lang daw ng pahinga.

 

Isang katahimikan ang bumalot samin nung umalis na yung doctor at nurse. Gusto ko ng umalis.

"Oy pare! Ok ka na ba talaga?" biglang tanong ni New President Council daw kay Monggi.

"Yeah." at biglang tumingin sakin si Monggi ng masama.

"Ay! Oo nga pala! Aalis na ko, may pupuntahan pa pala ako hehe. Sige! Babussh!" nagmadali akong tumayo pero bago ako makalabas sa kwarto. May sinabi si Monggi na nagpataas ng mga ang balahibo ko.

 

"You'll pay for this"

 

 

Oh may gosh! Paano na yan? Ang kunti pa lang kaya ng pera ko, kasisimula ko pa lang magipon eh! Paano ko sya mababayaran? Eh sabi nya kasi 'You'll pay for this'

She's Accidentally Inlove With A HeartthrobBasahin ang storyang ito ng LIBRE!