Chapter 4 Be my Secretary

Depuis le début
                                    

"Wala po pero nag work namn po ako sa family business namin sa cebu."

"Oh your from cebu?" Tanong nito

"Yes sir, hmm magkakasundo kayo ng boss dito sa companya"

"Hindi po kayo ang mag iinterview sa akon Sir?" Tanong ko.

"Hindi ako, kundi ang big boss dito sa companyang ito, halika na nasa opisina na ngayun si boss at gusto ka nyang makita at mainterview saglit."

Habang paakyat na kami sa pinakamataas na floor makikita sa baba ang malawak na mall kung saan pag aari ng isang mayamang lalaki, sabi ng mga staff kanina ay single pa daw ito at wala pang balak lumugay sa tahimik.

"Pumasok ka na sa loob naghihintay na sayo si Sir"

Pinagbuksan nya ako ng pinto ng opisina at nakita kung gaano kalinis at kaganda ng opisina nya.

Hindi mo aakalain na lalaki ang may ari ng opisina na ito dahil napaka linis.

Nakatayo lang ako doon at hinihintay kung magsalita ang lalaki na nakatalikod sa akin.

"Pwede ka ng umupo Ms. Hernandez" nagsalita ang baritonong boses nito.

Pagkaupo ko ay yumuko ako ng kunti at pinakiramdaman ang kamay ko na kanina po namamasa dahil sa kaba

"So Ms. Hernandez" sabay lingon sa akin at hindi ko nakilala ang lalaking kaharap ko.

Bigla akong nagulat ng ngumiti na ito sa akin na para bang nang aasar pa.

"May dumi ba ako sa mukha Ms. Hernandez" sambit nito, umiling iling lang ako na para bang walang nagyayari.

"Hindi mo ba kakamustahin ang paang inapakan mo nong isang araw, gusto mo bang makita kasi hanggang ngayun namamaga parin" sabi nito. Ako naman ay hindi makatingin sa kanya ng diretso.

"Pero thats okay, kasalanan ko rin naman inaamin ko yun." Sabi nito

"Pero paanong natanggap ako dito"

Wait parang hindi pa naman ako natatanggap sabi ko sa sarili ko.

"Gusto ko lang makabawi sayo, total naman mukhang gusto mo ng mag trabaho kaya tanggap ka na para maging secretary ko"

"Secretary mo?"

"Bakit ayaw mo ba?" Tanong nito

"Ay hindi hindi, gustong gusto ko" sabi ko sa kanga habang nakahawak ako sa kamay nya.

Nagkatinginan pa kami dahil nga sa hawak ko ang kamay nya.

"Sorry" sabay naming sabi.

"So kailangan ka pweding magsimula?" Agad na tanong nito sa akin.

"Ahh ehh kahit kailan,"

"Sige bukas pwede ka na bang magsimula since kailangan ko na ng secretary right away"

"Okay"

Paglabas ko ng opisina nito ay panay ang ngiti ko di ko alam kung bakit ganon nalang ang epekto ng muli naming pagkikita, parang bumalik tuloy yung feeling ko sa kanya,

Sige na aaminin ko na crush ko siya, pero hanggang doon lang yun magiging boss ko na siya kaya off limits na ako.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong nagbihis at pumunta sa bahay ni aling lorna para sabhin sa kanya ang magandang balita.

"Oi bakla kamusta ang interview mo" tanong ni jonard sa akin habang naglilinis ito ng kuko sa paa nito.

Parang gusto ko siyang pagtripan ngayun. So naglungkot lungkutan ang face ko habang umupo sa tabi nya,

You and Me against Reality (KIMXI LOVE STORY)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant