*Psst* Notice anything different? 👀 Find out more about Wattpad's new look!

Learn More

Chapter 23: The Match

Van’s POV

Ilang minuto din kaming nagtititigan ni Cross Falcon dito sa loob ng bulwagan. Nagpaiwan kasi kami dito, kasalukuyang kasama nung si Ivan si Kisha sa labas. Gusto kong makausap si Cross tungkol kay Jullia. Alam kong galit siya dahil sa nangyari sa kapatid niya. Ang tanga ko kasi hindi ko siya naalala. Isa o dalawang beses ko lang yata siya nakita noon eh kaya hindi ko na siya naalala pa...

“Ehem...” I cleared my throat to break the awkward silence.... “Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa...gusto ko sanang humingi ng tawad sa nangyari kay Jullia...”

Nakita ko ang pagbabago ng expression niya. Kaninang blanko ay napalitan ng galit. Naiyukom niya ang kanyang kamay at naging mabilis ang kanyang paghinga. Umiwas siya ng tingin at parang pinapakalma ang sarili niya...

“Do you think your simple ‘sorry’ can bring back her life? You killed her” he said through gritted teeth and looked at me angrily...

“Alam ko...alam kong ako ang may kasalanan...alam kong tao siya pero mas pinili ko siyang mahalin pero sa lahat ng nangyari ay hindi ko pinagsisihan na nakilala at minahal ko siya dahil binago niya ako. Hindi ko naman inaasahan na mapatawad mo ako, gusto ko lang ding humingi ng tawad”

Matagal siyang natahimik bago nagsalita... “Fine. But I will never forgive you” sabay poker face.

“Okay lang at least nagsorry ako” sumandal ako sa upuan ko at nagcross arms... “Tungkol nga pala kay Kisha, may gusto ka sa kanya di ba?”

Natigilan siya sa sinabi ko pero agad na naging blanko ang mukha niya... “Yeah”

Napatayo ako sa upuan at nahampas ko ang lamesa... “At hindi mo man lang itinangging damuho ka?!” 

“You stupid or what? I just answered your question. Why are you so angry?”

“Tss. Alam mo namang ako ang mahal niya di ba? At mahal na mahal ko din siya” napangisi na lang ako. Kahit na may gusto pa siya kay Kisha, hindi ako papayag na basta na lang siya mapapalapit sa kanya. Mababali muna lahat ng buto sa katawan niya bago mangyari ‘yon...

“I know” naging seryoso ang mukha niya. Ang kaninang blanko ay napalitan ng napakadaming emosyon na hindi ko maintindihan kung ano... “If you hurt her, i’ll do everything to bring her back to us”

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Tiningnan ko siya na para bang tinubuan siya ng sangkatutak na pigsa sa mukha... “Anong sinasabi mo dyang ‘bring her back to us’? Nagpapatawa ka ba?”

Nanlaki ang mata niya at umubo... “I-I mean...i’ll do everything to make her mine”

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Make her mine. Hah! May pagkakomedyante yata itong si Cross... “Matagal na siyang akin Cross. Lahat sa kanya ay akin. Akin siya ng buong-buo. Gusto mo bang ikwento ko sayo ang first night namin?” 

Nagtangis ang kanyang panga at hindi ko agad namalayan na dinakot niya ang aking kwelyo at marahas akong inupo at isinandal sa upuan... “Y-You...d-don’t tell me you...” nanginginig na sabi niya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang reaksyon niya gayong hindi pa niya gaanong kilala si Kisha though kaklase namin siya....

The Perverted Vampire (PUBLISHED)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!