Chapter 25

214K 7.3K 3.7K
                                              


Just when you thought that everything seems well. You better think again. Bwahaha!


CHAPTER 25.

Isang linggo na yung nakalipas simula nang pumunta si Ross sa bahay at formal na nagpakilala kila Kuya ko bilang manliligaw ko—taena, medyo nandidiri pa rin talaga ako sa salitang manliligaw.

Lalo na kapag naiisip kong may lalaking nanliligaw sa akin. Hindi pa rin talaga ako sanay mga brad. Pero para sa jejebuster na Ross na 'to, pipilitin kong masanay. Ganyan siya kalakas sa akin.

So ayun. Sa bawat araw na lumilipas, palagi akong sinusundo ni Ross sa bahay at sabay kaming pumapasok. Ang aga niya nga ako minsan kung sunduin.

Katulad nalang kanina. 7am palang nasa bahay na siya at nag-aalmusal kasabay yung dalawang Kuya ko. Samantalang 9am pa naman ang pasok namin ngayong araw. Andun na siya at nakikipag-kwentuhan.

Kung magkwentuhan silang tatlo akala mo sila yung magkakapatid. Nagising ako dahil sa lakas ng tawanan nila. Masasabi ko rin na unti-unti na siyang nagugustuhan ni Kuya John. Baka bromance na rin sila tulad ng pagiging bromance ni Ross at Kuya Joseph. Hutaena. Out of place ako sa kanila kapag nag kukwentuhan sila. 'Di ako maka-relate.

Pero kapag nakikita ko si Ross na tumatawa kasama sila Kuya, napapangiti rin ako sa loob ko. Ewan ko ba pero parang ang sarap sa feeling na makita yung taong mahal mo na kasundo yung mga Kuya mo.

Hinahatid din ako ni Ross sa bahay. Kapag may pupuntahan kami o dadaan lang kung saan, ipapaalam niya agad ako kay Kuya John. Nakaraan nanood kami ng movie na kasama si Kuya Joseph. Si Kuya Joseph pa namili kung saan ka kumain. Hindi talaga marunong mahiya yun. Nagpapasaload pa nga siya ulit.

Sa mga bawat araw din na lumilipas mas lalo kong nakikilala si Ross. Ang dami kong mga maliit na bagay na nalalaman tungkol sa pagkatao niya.

Katulad nalang na takot siya sa ipis, butiki, gagamba, o kahit anong insekto na maliit. Nung isang araw kasi habang nasa bahay siya, biglang may nalaglag na butiki sa balikat niya. Napatalon-talon at nag sisisigaw siya dahil sa takot. Tawa ako ng tawa kasi ang laki niyang tao pero takot sa maliit na insekto.

Nalaman ko rin na hindi talaga siya jejemon. Bwahaha. Nagloloko kasi yung cellphone niya kaya kapag nagte-text siya e paiba-iba. Nagiging upside-down. Kaya mas gusto niya talaga ng call.

May pagka-dugyot din tong si Ross. Kahapon kasi nangulangot ba naman sa harapan ko? Tapos hindi pa nakuntento. Sinabayan pa ng utot. Imbis na mahiya si gagu, hindi e. Tawa lang siya ng tawa.

Kung mahal ko raw siya singhutin ko raw utot niya. Kababuyan ng leche.

"Ikaw huwag kang dugyot ha?" sermon ko sa kanya habang nasa kotse kami at papunta sa school "Nakakadiri ka talaga kahapon. Ang lakas ng utot mo. Nasa starbucks pa naman tayo."

"Haha. 'Di ka maka-move on dun, Tombs, ah."

"Malamang! Ang dugyot mo kasi. Ano nalang iisipin ng mga babaeng nagkakandarapa sa'yo na may hidden kababuyan ka pala."

"Sus! Wala naman akong pakialam sa iisipin nila," ngumisi siya "Ang importante, nakuha ko na yung babaeng gusto ko. Ikaw lang sapat na tombs."

"Ang jeje mo talagang leche ka."

"Hindi nga ako jejemon! KhULeTSzx MhOwsxz. Jejeje."

Yung pagtawa niya ginawa niya talagang jejemon. Ang praning lang.

Dumating na kami sa school kaya nag park na si Ross sa parking lot at dali-daling lumabas ng kotse niya para pagbuksan lang ako ng pintuan. Pero dali mabilis akong kumilos, ako na nakapagbukas ng pinto.

Lesbi In Love (Wattys 2015 Winner) (Published Under Rebel Fiction/ PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon