Chapter 1

2.5M 39.4K 13.6K
                                    

The Sweet Corner

"Congratulations!" Sigaw nilang lahat.

Nasa tabi ko si Cloud at si Julianne at sabay kaming nag cut ng ribbons. Nagpalakpakan ang mga tao kasama na duon si Mama. Mukhang masayang masaya siya kaya napangiti ako. Masaya din ako ngayon dahil madami 'yong pumunta sa opening ng cafe ko, ang The Sweet Corner.

"I'm so proud of you anak." Niyakap ako ng mahigpit ni Mama. "You're now fulfilling your dreams. I'm so happy for you." Ang sarap sa pakiramdam na makita si Mama na ganito. Wala nang bakas ng kahit na anong pag-aalala.

Hindi ko nilihim kay Mama at Cloud ang tungkol sa break up namin ni Kean. Kahit 'yong totoong rason kung bakit ako nakipaghiwalay kay Kean alam nila. Ayokong maglihim sakanila dahil sila lang din naman ang nasasandalan ko sa problema ko. Sabi ni Mama, magiging maayos din ang lahat para sa akin. Katulad din daw kay Dwayne, makakapag move-on din ako kay Kean pero magkaiba silang dalawa. Oo minahal ko din si Dwayne pero kakaiba 'yong pagmamahal ko kay Kean. Mahal na mahal ko siya kaya nga mas masakit ngayon itong nararamdaman ko. Hanggang ngayon naman mahal ko pa din siya.. mahal na mahal.

"So, what's our special menu for today?" Tanong ni Cloud. Halos kamag anak at kaibigan ko lang ang nandito ngayon sa opening. May ilang taga media at ilang fans nila Cloud pero 'yong dalawang taong inaasahan ko ngayon, wala. Si Marion at Jenelle. Si Trevor hahabol daw. Si Dwayne.. hindi ko alam. "Gusto ko ng Mango Bravo. Ikaw, Juls?"

"Same." Ngumiti sakin si Julianne. "I want that too, Keila." Sweet niyang sabi. Ang ganda ng mukha niya at ang fragile ng dating niya. Hindi na ako nagtataka kung bakit na in love and kakambal ko sakanya.

"Ikaw, Ma?" Nakatingin pa din siya sa menu namin. Mukhang nahihirapan siya mamili pero alam kong pipiliin pa din niya 'yong paborito niyang pasta.

"Hmm.. pesto na lang sakin."

Pumunta ako sa counter. May dalawang chef akong kinuha, si Chef Joe at si Chef Mira at syempre kinuha ko din si Alyanna bilang katulong ko dito. Hindi naman ganon kalaki 'yong cafe, meron kaming eight tables na four seater, tatlong six seater tapos isang long table na eight seater. Blue ang motif ng shop at may isang malaking TV screen sa dulo. Ako mismo ang nag design dito. Buti na lang talaga kasya sa ipon ko 'yong nagastos ko sa pagpapagawa ng shop.

"Two mango bravo solo and one pesto." Sambit ko kay Chef Mira.

"Three Oreo cheesecake solo Chef Mira!" Sigaw ni Alyanna. Tumabi siya sakin at sabay namin pinagmasdan ang shop. "Suggestion ko lang, magdagdag pa tayo ng isa sa shop." Tumango ako. Tama si Aly, kulang pa kami ng helper sa shop.

Halos hindi ko na nakausap sila Mama at Cloud dahil sobrang busy ako sa mga orders. Hindi ko inaasahan na ganon kadami ang pupunta sa opening ng shop. Buti na lang pagdating ng hapon, medyo konti na lang ang tao. Umalis din agad si Cloud at si Julianne dahil may shooting sila para sa TV series nila. Si Mama naman may pupuntahan na business meeting. Nakapagpahinga na din kami nila Aly.

"OMG Keila! si pogi nandito!" Sigaw sakin ni Aly. "Wow may flowers pa talaga." Kilig na kilig siya at panay ang kurot sakin sa braso ko.

Paglingon ko nakita ko si Dwayne na may dala dalang isang boque ng bulaklak at kasama niya si Trevor. Lumapit sila samin ni Aly. "Hi, Keila. For you." Inabot niya sakin 'yong flowers pagkatapos umupo sila sa harap namin ni Aly. "Congratulations sa new cafe mo. Ang ganda ng place." Puro kurot na abot ko kay Alyanna. Kilig na kilig siya dahil lang sa flowers, hay nako.

"Thank you Dwayne."

"I can't wait to taste your cakes buddy!" Excited na sabi ni Trevor. "And who is she?" Turo niya kay Aly.

Dear tadhana (Published and adapted to a series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon