i

13.9K 421 207
                                                  

Chapter 1: Let's Play

Baekhyun

"Punch! Punch! Punch!" Sunod sunod na pinagsusuntok ko pa ang halimaw sa aking harapan. Isang halimaw na may malaking tenga at umbok sa noo! May talong kasi sya sa noo nya. Nakakepkep short pa. Edie wow.

"Mahal na prinsipi!"

Napabangon ako, "Sinong prinsipe?"

"Este prinsisa," bumulong bulong pa itong si Rosalinda; katulong namin na panay ang day off para makipagkita kay Dudong nya. "Pwidi na kayung maligu sa banyu. Ang bilin ng Inang Reyna, bawal malate pu."

Una at hindi huli.. hindi kami royalty. Ako lang nagiinsist sa mga katulong namin na tawagin kaming ganun kasi I'm just a bored descendant of Aphrodite. Umangal dyan ay makakatikim ng hapkido ko in dyosa way.

"Buhatin mo ako!" utos ko.

"Ay mabigat pu kayu," angal nya.

"Bubuhatin mo ako o hindi?" I said.

Nataranta naman sya, "Itu na pu, prinsisa" Pinadagan nya ako sa likod nya. Piggy ride ito, not in a romantic way duh. "Dyosq por santo," bumubulong bulong na naman sya. Mukhang minumura na ata ako nito sa isip.

"Bilisan mo, Rosa! Tigidigtigidig!"

Pagkatapos, bumukas ang pinto. Bumaba na agad ako at baka mahuli ako ni Amang Hari at, wala na naman baon pero, mas strikto si Inang Reyna. Mas nakakatakot po sya. Binali nya lang naman ang isang eyeliner ko tapos confiscated pa ang iba ko. Miss ko na nga sila eh. Baby 1, baby 2, baby 3, baby 4 and tsex.

"Baekhyun, ano 'to?!" sigaw ni Ama.

"Si Rosa po? Hindi ko po alam. Oy, Rosa, sumagot ka." I poked her, "Sabihin mo na bagay ka ba o hayop?" Naibagsak nya ang balikat nya at napafacepalm. Hayop ba ito?

"Baekhyun, wag kang pilosopo!"

"Amang hari, nagmamagandang loob lang naman si Rosalinda na buhatin ako. Sabi ko nga po huwag na kaso, nagpumilit sya. Ayaw nya marumihan ang paa ko." Tinap ko ang likod ni Rosalinda. Naghihingalo na sya. Hindi pa nga kami nakakalayo sa kama.

Appa snapped his forehead, "Pwede bang tigilan mo na ang mga kalokohan mo ha? Pang dalawang daan na katulong na natin si Rosalinda! Sakit mo sa lawit! Kanino ka ba nagmanang bata ka ha? Anak ka siguro ng nanay mo sa ibang lalaki!" Ay genern?! Wagas makalawit ito si amang wala umbok.

"Um, amang Hari, kung lawit lang po ang pagbabasehan natin eh, hindi nyo po ako anak!" Napatakbo ako nang tanggalin agad ni Amang Hari ang tsinelas nya. Dumiretso na ako sa banyo. Ganito lagi ang umaga dito sa amin. Dahil sa akin walang nagtatagal na katulong. Dalawang daan na halos nawala.

Napalingon ako nang bumalibag ang pinto. Inang reyna is back in business. Napatakbo ako sa banyo dahil sa nanlilisik na mata ni Inay. Oo, kung tatanungin ako kung kanino ako takot. Ang sagot ko ay si Inang. Si Inang lang. "Baekhyun, ang pasok mo 8AM, 7:30 na. Ano 'to ha, maliligo ka ng 5 minutes? Pupupu ng 5 minutes? Tapos kakain ng 5 minutes? Kaya ang itim ng kili-kili mong bata ka. Hindi ka nagkukuskos!" Tinignan ko ang kili-kili ko.. nay, please dont SPREAD.

ChanBaek: One Drop Per Second (TF#2 Mpreg) Completed Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon