Chapter 3: He Loves Me?

2.8K 72 1

Kailley's POV

"Girl may napapansin ako" sabi ni Vella sakin habang nagbabasa ng Fairy Tales hays isip bata talaga yan eh.

"Ano naman yun?" takang tanong ko

"Yung classmate natin na si Micth parang sila na nung hubby mo" sabi nya at patuloy pa rin ng pagbabasa.

"Ah okay" sabi ko pero ito na naman yung feeling na kumirot yung puso ko.

"Girl anung okay eh di ba hubby mo yun at di ka dapat papayag sa ganun" bigla naman syang tumitig sa akin. Kilalang kilala talaga ako nitong bestfriend ko.

"Ahm o-oo kasal kami pero sa papel lang yun at wala pa rin akong karapatan dun" nauutal na sabi ko sa kanya at nilayo ang muha ko sa mukha nya. Nako baka Tibo tong si Vella ah. Oh no baka inlove na siya sakin?

"Ay ewan ko sayo .. Buti pa si Cinderella may lovelife" sabi nya. Tss wala akong paki kay cinderella. Di ko nga kilala yun eh. Tinignan ko ang wristwatch ko at napagtanto ko na kailangan ko nang umuwi ngayon.

'' I need to go na Vella. Bye, Take care" paalam ko at nagbeso beso sa kanya. Umalis na ako para umuwi.

Habang naglalakad ako papunta sa parking lot para umuwi na pero biglang may dalawang pares ng kamay ang humatak sa akin.

"Hoy ikaw na malanding babae layuan mo ang BOYFRIEND ko" diniinan pa talaga yung boyfriend. Paki ko ba sa boyfriend nito? Nakadrugs ba to?

"Anung pinagsasabi mo?" tanung ko. Wala naman talaga akong alam dun eh. Nakashabu nga to. Malala na.

"Nakita kita kaninang umaga na nakikipag usap sa boyfriend ko" hasik niya at biglang tinulak ako sa pader. Napalakas ang tulak niya kaya medyo napaliyad ako sa sakit.

"Di ko naman nilalandi yung boyfriend mo may sinabi lang ako" sabi ko. Okay natandaan ko na, ay kinalinutan ko pala na si Nathan kamo ang boyfriend niya.

"At ano naman yun? I know kalandian ang mga pinagsasabi mo!" galit na tanong nya .. Nako di ko pwedeng sabihin kase baka malaman nya na asawa ko si Nathan. Manurder pa ako nito.

----FLASHBACK---

Nandito ako sa cafeteria ng mag- vibrate yung cellphone ko. Sinagot ko ito baka kasi emergency.

"Hi mommy bakit ka po napatawag" masiglang bati ko kay Mommy


[Hello my dear, Pakisabi kay Nathan na maaga kayong umuwi kasi nandito kami ng daddy mo pati ng parents ni Nathan]

"Bakit mommy ano po ang occassion?"

[malalaman nyo rin mamaya]

"Mom--"

--Toot-- toot

Pumunta na agad ako sa gym kasi nandun na naman yun si Nathan. Varsity player sya ng Frenierr University .Oo sya may-ari ng University na to

Nakita ko si Nathan na nagpapahinga sa bench. Lumapit ako sa kanya para sabihin ang pinasasabi na mommy.

"Nathan, sabi pala ni Mommy na sabay na tayong umuwi kasi nandun daw sila pati ang parents mo" sabi ko sa kanya. Napatingin siya sakin at binigyan ako ng blangkong tingin.

"Tss, just go home by your own. I have a date with Mitch" he said in a cold tone. Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Ipagpapalit niya ba yung Mitch na yun sakin?

"Pero kailangan daw na nand---'' di ko pa tapos ang sasabihin ko dahil umalis na lang sya bigla. Ganito naman lagi eh. Nasanay na ako.

Hays hanggang kailan kaya ako magiging ganito na lagi nya na lang binabaliwala ??

----END OF FLASHBACK--

''Mitch bitawan mo si Kailley kung ayaw mong masaktan"

"K-Kaizer?" gulat na tanong ko .. Bigla naman akong binitawan ni Mitch at umalis na rin sya. Lumapit siya sakin at tinignan kung may sugat ako

"Kailley are you okay?" tanong ni Kaizer .Tumango na lang ako.

"Thanks pala Kaizer ah" pasasalamat ko.

"I will do anything to the person I Love" he said. Tama ba ang narinig ko? Mahal niya ako? Paano?

"M-m-Mahahal mo a-ako?'' nauutal na tanong ko. Ngumiti siya sakin kaya medyo nahiya ako.

"Yes, matagal na. I'll court you whether you like it or not" he said while smirking.

May tama ata tong si Kaizer eh.

''Ahm sige uuwi na ako" paalam ko.

"Hatid na kita" aya nya. Umiling ako.

"Wag na .Sige Bye" paalam ko at umalis na.

*Sa Bahay*

"Mommy nandito na po ako" masiglang sabi ko pagkadating ko sa bahay.

Hala! bakit patay lahat ng ilaw? di kaya?



M-M-Multo yung tumawag sa akin kanina ??


Hwwaaaa!!

Ms_CupcakeLover



My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!