CHAPTER 1: ARRANGE MARRIAGE

3.8K 92 0

  " You may now kiss the Bride" unti-unti siyang lumapit sa akin then he kissed me quickly on my cheek. Bigla na lang akong natulala sa ginawa niya at ang hiyawan ng mga tao ang nakapagbalik sa akin sa reyalidad.

Alam kong di niya rin ginusto ang kasal na naganap  at pareho lang kami. We're married because my parents and his parents were bestfriends so they decided to set an arrange marriage samin para mas lalo pang lumago ang business nila. Wala naman akong magagawa kung di sumunod na lang sa gusto nila. I want my mom and dad to be happy. Kahit sa ganitong paraan lang.

"Dear, lilipat ka na sa bahay niyong mag-asawa. Don't worry naayos na namin ang lahat" Mommy said while hugging me .Nasa reception na kami ngayon at hindi ko alam bakit kinakain ako ng kalungkutan lalo na sa sinabi ni Mommy. I know na di magiging maayos ang pagsasama namin ni Nathan. Sana makaya ko yun. Sana nga

"O-okay mom"  I said in a sad tone. Di ko talaga ginusto ito pero kailangan ko silang sundin.

"My dear don't be sad ah? Be happy because this is for your own good naman eh so ienjoy mo na lang ang buhay may asawa'' I sighed. Sana nga maeenjoy ko teka nga nasaan  na kaya yung asawa ko? Scratch that. Nathan pala. Di naman niya akong tinuturing na asawa eh.

Nakita ko siya habang umiinom ng alak. Sabi ko na nga ba eh magpapakalasing na naman yan. Ganyan na siya simula nung naengaged kami. Lagi na lang lasing. Di ko naman siya mapigilan kase nagagalit siya sakin.

"Nathan tama na yan '' concern kong sabi pero tinignan niya lang ako ng masama. Heto na naman tayo. Galit na naman to panigurado

"Sino ka ba para pagsabihan ako sa dapat kong gawin? Get out of my way" He said while glaring at me. Tinataboy na naman niya ako. Lagi na lang. Wala na akong magagawa dun. Mainit lagi ang ulo niya pagdating sakin.

" Please stop drinking Nathan makakasama yan sayo" sabi ko. Bigla syang tumayo at tinulak ako kaya napaupo ako sa sahig. Nagsimula nang manubig ang mga mata ko. Here we go. Iiyak na naman ako.

Dahan-dahan akong tumingala para di tuluyang umiyak at hindi ko ininda ang sakit ng pagkakatulak niya sa akin. Mas masakit yung puso ko. Sobrang sakit

"Nathan! What the hell are you doing with your wife?" tanong ng mommy ni Nathan at tinulungan akong tumayo .

"I don't care to that girl" sabi ni Nathan at laking gulat ko nang bigla siyang sinuntok ng daddy niya

"Hindi kita tinuruan na manakit ng babae Nathan lalong lalo na ang asawa mo. You're such a big disappointnent" Galit na galit na saad ng daddy niya. Lunapit ang mommy ni Nathan sa asawa nito at pilit na pinapakalma.

Umalis na lang si Nathan sa reception at di na bumalik. Heto ako ngayon umiiyak at nagmumukmok . Sana tanggapin niya rin ako kasi tao din ako at nasasaktan di lang naman siya ang may ayaw nito. Pati rin naman ako. Sino ba namang babae ang gustong ikasal sa taong di ka man lang kayang itratong tao?

Di ba ako karapat dapat tanggapin? Ayoko ng masaktan pa. Sobrang sakit na. Tama na.



Ms_CupcakeLover

Sorry po sa mga errors. I'll edit it soon









My Cold Husband Is A Bad BoyBasahin ang storyang ito ng LIBRE!