CHP37: Goodbye.. First love

4.4K 123 1
                                    

"First love never dies, but true love stays forever."

**

DASURI POV

"Tara na." Aya sakin ni Kai.

Nauna syang lumabas ng kotse. Inayos ko muna yung sarili ko. Nakakahiya. Umiyak na naman ako sa harap nya. Pero aminin.. nakakakilig rin pala ang halik sa noo. Sabi nila, it indicates respect. Waaah! Feeling ko love na love ako ni Hubby. Ehemp! Hubby na ulit. Bati na kami eh. Haha.

Sinubukan ko naman syang tikisin pero wala eh, nung oras na nakita ko sya sa loob kahit wala pa syang sinasabi. I admit nawala na lahat ng sama ng loob ko. Pero naggalit-galitan pa rin ako syempre. Ayoko na kasing maulit yung dati. Sabi naman nya magbabago na sya. Hindi naman siguro maling bigyan ko ulit sya ng isa pang pagkakataon?

"Hey wifey! Wala ka pa rin bang balak lumabas dyan?" Napatingin ako sa gwapo kong asawa na pinagbuksan na ko ng pinto. Awee. Gentleman na sya ngayon?

"Eto na po. Saan ba kasi tayo pupunta?" hindi nya ko sinagot. Sa halip ay pumunta sya sa likuran ng kotse. Sinundan ko naman sya.

"Huy, dedma lang?" hindi pa rin nya ko pinansin. Binuksan nya lang yung likod ng kotse. Napatingin naman ako sa loob 'non.

Puro damit lang ang nakita ko roon. Ano naman kayang kukununin nya dito? Hinalukay pa kasi nya yung mga 'yon.

"Hawakan mo nga 'to sandali." Inabutan nya ko ng cap at shade.

"Uhh.. anong meron?" hindi ko kasi talaga gets. Isinarado na nya yung likurang bahagi ng kotse bago tumingin sakin. Kinuha na rin nya sakin yung salamin at sombrero.

"We will have a date." Sabi nya sabay suot ng cap at shade. Naghang naman yung utak ko.

"Date?" wala sa loob kong tanong. Baka kasi nabibingi lang ako. Anong oras na kaya. Mag-a-alas-dyes na nang gabi tapos aayain nya ko magdate? Ano 'yon, joke?

Mukhang nahulaan ni Kai yung iniisip ko. Medyo natawa pa kasi sya ng mapatingin sakin. Hinawakan nya muna yung kamay ko bago magsalita.

"Yes wifey, you heard it right. A date." Kinurot pa nya yung tungki ng ilong ko bago ko hilahin paalis dun sa pwesto namin kanina. Seryoso? Waaah! First date namin 'to. Napapa-giggle na lang ako sa likuran nya.

My gosh! First date with my Bias? MY FEELS!!!!

**

"Kai, bakit hindi natin ginamit yung kotse mo?" usisa ko habang nakadungaw sa bintana ng bus. Nasa kalagitnaan kasi kami ngayon ng byahe. Sya yung nagdecide na magbus na lang kahit may dala naman syang kotse nung pumunta kila white. Nagtataka tuloy ako.

Hindi sya umimik. Paglingon ko sa side nya nagulat ako nang makitang nakakunot ang noo nya habang nakatingin sakin ng masama.

"B-bakit?" kinakabahan kong tanong.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa'yo, Hubby ang itatawag mo sakin at hindi Kai." Ayt. Oo nga pala. Nakalimutan ko na yung tungkol dun. Lagot. Tinignan ko sya na may pagkaalinglangan.

"Err.. sorry po. Hubby?"

Pagkasabing-pagkasabi ko nyan biglang nagliwanag yung mukha nya. Pakiramdam ko nga parang namula pa sya pagkarinig 'non. Kaya lang iniwas nya agad yung mukha sakin kaya hindi ko na napagmasdan pa 'yon ng mabuti.

Humarap na lang sya sa unahan sabay ubo kunwari ng mahina.

"Ehemp. That's better."

Hindi ko na lang pinansin 'yon. Tutal, mukhang hindi na naman sya galit sakin eh. Okay na 'yon. Hehe.

Secretly Married To My Bias | COMPLETED |Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon