Changes (Part 1)

34 1 0
                                        

Alis muna tayo kay madramang Ae. Let's go back to SeanElla.

SEAN LOUIS' POV

******

November 20, anniversary ng pagiging mag best friend namin ni Ella. 12 years na kaming magbestfriend. Hahaha. Going stonger pa! :) Gumising ako ng maaga aalis kasi kami nila Ella, dahil may isa rin kaming aalalahanin sa araw  na to. Tumayo na ko sa kinahihigaan ko at nag-ayos, 30 minutes before 5 a.m, prepared na ko at umalis na ng condo ko. Nagtext nadin ako kay Ella na papunta na ko sa bahay nila. But before that dumaan muna ko sa flower shop at bumili ng dalawang bouquet ng roses, isang red at isang white. 

Tahimik lang akong nagda-drive papunta sa bahay nila Ella. I am worried about her, dahil I'll get to see Ella's other side again. Kabaliktaran ng pagiging makulit at makalokohang tao si Ella ngayon. It's all because 12th death anniversary din ng Papa ni nya. Every 20th of November lang  yung pagkakataon na nakikita kong tahimik at seryoso si Ella. But ofcourse I understand, it must've hurt alot. Kaya hinahayaan ko na sya. Bata pa lang kami nung una kaming nagkakita ni Ella, that same day na namatay yung Papa nya from a car accident, she then smiled at me kahit na nawala sa buhay nya yung lalaking pinakamahalaga sakanya. That's why I admired her alot and ask to be bestfriends with her.

I parked my car sa harap ng bahay nila Ella tapos nag-doorbell na ko. Pinagbuksan ako ni Nanay Roda, isa sa mga pinagkakatiwalaang katulong sa bahay nila at nanay-nayan ko na din.

"Oh? Good morning, Anak. Ang pogi mo parin ah. Nandun na si Nesh sa sala."

"Nanay talaga oh. Binola pa ko. Thank you po Nay, punta na po ako dun." Hinalikan ko ang pisngi nya at nagtuloy-tuloy na sa loob.

"Tita Nesh." Paunang bati ko sakanya at bineso sya.

"Oh Sean! Nandito ka na pala. Puntahan mo na si Ella sa taas."

"Opo. Tita, pinapabigay nga po pala ni Mommy." Inabot ko sakanya yung card na pinadala sakin ni Mommy, ibigay ko daw kay Tita Nesh.

"Ang Mommy mo talaga ooh. Pakisabi kay Eve na salamat. Sige na puntahan mo na si Ella para makaalis na tayo."

Tumango nalang ako bilang sagot tapos pinuntahan ko na si Ella sa kwarto nya. Kumatok ako sa pinto pero wala akong nakukuhang sagot. Nag-intay pako pero wala parin, kaya ako nalang ang nagbukas.

Nakita ko si Ella na nakaupo yakap-yakap yung teddy bear na dapat ibibigay sakanya ng Papa nya kaya lang naaksidente nga si Tito. Nakuha lang yun na yakap-yakap din ng Papa nya para siguro protektahan sa pagkasira yung teddy bear sa malakas na impact ng aksidenteng yun at makita agad ito kapag natagpuan ang bangkay nya.

I can tell na nasasaktan si Ella pero syempre sino ba naman ako para malaman kung gaano sya nasasaktan? Ella is definitely a strong girl, she might not let us see her cry, but I can feel how vulnerable she is. You can see right through her, she's not that hard to read.

Namuo yung luha sa mga mata ko, dahil nakikita ko ang sarili ko kay Ella nung iniwan ako ni Ria. Pero lagi si Ella sa tabi ko. She never left me, kahit na sobra kong naging pahirap sakanya noon. Definitely, I'll return that favor today.

Hindi ata nararamdaman ni Ella na nandun ako. Ni hindi sya napatingin sa gawi ko nung binuksan ko yung pinto, maybe she's too absorbed sa nararamdaman nya ngayon na hindi ko naman masisisi sakanya.

"Bestfriend." Umupo ako sa tabi nya. Mukhang nagulat sya pero wala naman syang sinabi kahit ano. Tumingin lang sya sakin at binigyan nya ako ng isang matipid na ngiti.

"Para sayo." Inabot ko sakanya yung boquet of red roses na binili ko. She just mouthed me "Thank you" in return. 

"Let's go?" Inilahad ko yung kamay ko sakanya para makaalis na kami. She just stared at me, hold my hand and flashed a geniune smile. Nginitian ko lang din sya at inalalayan na sya pababa.

***

Evergreen Cemetery

Two minutes after 5 ay nandito na kami sa sementeryo. Di ko pa natatanong si Ella kung bakit lagi kami ganto kaaga pumupunta dito. Pagkababang pagkababa ko sa sasakyan ay dumampi sa balat ko yung malamig na hangin. Masarap sa pakiramdam. Tanging huni lang ng ibon ang maririnig. Payapa sa kalooban, nababalot man ng dilim, medyo nakikita ko na yung liwanag. Kami palang ang tao sa sementeryo. Nagulat nalang ako nung patakbong lumapit si Bia kay Ella at niyakap sya. Hinagod lang ni Bia yung likod ni Ella to let her feel na di sya nag-iisa. Nagbeso din sya kay Tita Nesh. 3 years naduing ngkaibigan si Bia at Ella, kaya pangatlong taon nadin namin nakakasama si Bianca sa death anniversary ni Tito Roger. Maya-maya may isa pang pigura ng tao ang papalapit sa pwesto namin, at base sa pagrereact ng katawan ko na biglang nag-init ang ulo at dugo ko, kilala ko na sya bago pa makalapit samin.

"Good morning po Tita." Niyakap nya ito at binalingan ng tingin si Ella na nakatingin sa malayo, sa lugar kung nasaan ang puntod ni Tito Roger. Tinapik lang nya ito sa balikat. Marahang napatingin sakanya si Ella at binigyan sya ng matamlay na ngiti.

Tinanguan nya ko, at ganun din ng ginawa ko sakanya. Sige, pagbibigyan ko na nandito sya tutal ay malapit sya kay Ella. At ayoko rin naman gumawa ng gulo. Alam ko naman na importante siya kay Ella, kaya nga siya nandito diba? Tinulungan nya ko sa pagbubuhat ng nga gamit papunta sa puntod ni Tito.

Nung nandun na kami, nag-alay muna kaming sari-sariling dasal at nagsimula na kaming mag-ayos ng mga gamit. Nakaupo lang kami ng tahimik sa harap ng puntod, si Ella ay nakaupo patalikod sa puntod ni tito paharap sa papasikat na araw. Napatingin ako sa orasan, mag si6 na pala. Nakita kong ngumiti si Ella at bumulong sa hangin, na sa pagkakaintindi ko ay "I love you and I miss you Papa."

Bigla syang humarap sa amin at nginitian nya kami-- isang bagay na bihirang makita kay Ella every 20th of November.

*later*

--------------------------------------------

Comment your opinion. I'll really appreciate it if you do, thank you! :)

©Stingy

When Forever Was Gone [ON-GOING]Where stories live. Discover now