Chapter 39: Shattered

758K 26.6K 10.8K
                                                  

Chapter 39: Shattered

Hindi ko na alam kung gaano ako katagal na naglalakad sa loob ng gubat. Wala na akong ibang namamalayan. Hindi na malinaw sa akin ang mga dinadaanan ko. Tila ba mga malabo at gumagalaw na imahe nalang sila sa paningin ko. Binabalutan ako ng matinding sakit na hindi na kayang pagtakpan ng nanghihina kong katawan. At ano mang oras pakiramdam ko bibigay na ang katawan ko.

Huminto ako sa tapat ng isang puno at sumandal doon. Napahawak ako sa dibdib kong patuloy sa pagdudugo. Sinubukan ko itong linisin ng gamot at balutan ng benda na nakuha ko mula sa una kong naging kalaban. Pero maging ang mga ito ay hindi napigilan ang paglala ng kondisyon ko. Nakakainis. Nakaligtas nga ako sa babaeng yon, pero mukhang hindi rin naman ako magtatagal.

Kinagat ko ang labi ko at tiniis ang sakit. Kailangan kong makahanap ng lugar kung saan ako pwedeng magpahinga. At kailangan kong pilitin ang sarili ko na lumayo mula sa ilog. Dahil hindi ko pa kayang makaharap ang sino man sa mga oras na ito. Muli akong naglakad habang hawak hawak ang duguang parte ng katawan ko. Kung nandito lang sana si Luna, magiging madali ito. Pero hindi na ako umaasa na matatagpuan ko siya sa ganitong kondisyon.

Lumipas ang oras at unti unti ng tumitigil ang mga paa ko sa paglalakad. Maging ang mga kamay ko ay nagsimula ng mamanhid. Napahawak ako sa trunk ng isang puno para suportahan ang pagtayo ko. Pero maging ang paningin ko ay nagsimula ng magdilim. Pinagmasdan ko ang estado ng katawan ko sa huling pagkakataon. Hangang dito na lang ba ako? Sa gitna ng umiikot kong paligid, naramdaman ko ang sarili ko na bumagsak sa lupa. I felt the severe struggle of my body to shut down. Pilit nitong binabalutan ng kadiliman ang lahat ng nasa isip ko. No. Hindi pwede.

Naaninag ko ang number sa wrist ko na unti unting nagbi-blink. Ang kulay nito ay naging pula at tila nagbabadya na tuluyang mabura. Pilit kong ginising ang sarili ko. I struggle to get back on my feet and stand up while leaning against the tree trunk. Subalit hindi nagbago ito, patuloy lang ito sa pagblink na tila ba inaasar ako ni kamatayan. Napamura ako. Unti unti ng bumibigay ang katawan ko. Sa huling pagkakataon, sinubukan kong pagmasdan ang kagubatang nakapalibot sa akin. Hangang sa dahan dahan at kusang pumikit ang aking mga mata.

--

"Edward, our daughter!"

Rinig na rinig ang iyak ni Mrs. Stanford sa loob ng Watch Tower kung saan makikita ang mga VIP o pinaka importanteng tao sa lahat ng distrito. Humarap ito sa kanyang asawa, si Mr. Stanford, na member ng Council, at humilig sa mga bisig nito habang umiiyak. Hinawakan niya ang sleeves ng mamahaling damit na suot nito nang may nanginginig na kamay.

"Hindi siya pwedeng mamatay sa larong ito!"

Pinagmasdan siya ng mga kasamahan nila sa kwartong yon. Halos lahat ay inalis sa ang tingin sa monitor na nakapalibot sa buong kwarto kung saan pinapakita ang iba't ibang lugar kung nasaan ang bawat kalahok. Nagtaka ang karamihan sa narinig mula kay Mrs. Stanford. Dumako ang tingin nila sa pamilya at sa dalagang si Corrine Stanford. May iba pa ba silang anak?

Pilit inalo ng Ama ang asawa nitong halos hindi na makausap ng maayos dahil sa paghagulgol. Mula sa isang sulok, tahimik na pinagmasdan sila ni Sir Apollo. Tuluyan nitong inalis ang sigarilyo mula sa pagkaka ipit sa kanyang bibig at pinatay ito sa ashtray na nasa mesa. Pinagmasdan niyang mabuti ang eksenang nasa harapan niya. Mukhang may hindi siya alam sa nangyayari.

Binalik niya ang tingin sa monitor kung saan naka focus si Mrs. Stanford kanina. Makikita doon ang walang malay niyang estudyante, si Shia Sheridan mula sa Hesperia. Bahagya siyang napailing. Humihinga pa ito. Pero ilang minuto lamang ay tuluyan ng bibigay ang katawan niya. Minuto lamang ang hinihintay bago tuluyang maging pantay isa sa mga linyang nasa harapan nila.

Titan Academy of Special Abilities (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon