An: Hello AngelikaTuazon61, Creepyminds_3333, Iichiru_04, Missciaramae :) Thanks for the votes on my last update. This chapter is dedicated to all of you guys :)

-----------------------------------------------

Caela's pov

Time check: 6:00am

Inaantok pa ako :(
8:30 pa yung start ng klase pero eto kami ngayon naglalakad papunta sa classroom namin. Juskooo! Nung nagsabog ang Diyos ng sobrang ka-OAhan sinalo ng magagaling kong mga kaibigan. Ang aga-aga pa ginising na nila ako agad, at ang kanilang dahilan;

"Para makita natin kung saan papasok ang Superiors. Malay mo sa classroom pala natin sila magstay. O diba ang swerte natin kung nagkataon" -Sophia.

Adik talaga tong mga kaibigan ko sa labindalawang yun. *sigh*

"Oo na, sabihin na nating baka nga doon sila sa room natin pumasok, eh kaso mamaya pa yun. Alas-sais pa lang ng umaga ngayon." Ang hirap nilang paliwanagan.


"Oo nga sis, pero kailangan nating maaga para makapag-ready tayo. Mawewelcome agad natin sila. At mahahawakan ko na yung kamay ni Jack. Tapos magiging magkaibigan kami, liligawan niya ko, tapos--- Aray ko naman Sophia, bakit ka ba nambabatok?" Michie. Hahahaha.

"Sobrang advance kase ng pag-iisip mo. Nagreready pa lang tayo sa pagdating nila sa classroom natin tapos ikaw nasa ligawan stage agad. Ge imagination pa ha?" Parang nanay na sermon ni Sophia. Hahahaha.

"Di mo naman kailangan mambatok. Masakit kaya! Atsaka alam kong papunta na din kami sa stage na yun. Kaya wag kang kumontra." Depensa ni Michie.

Heto na naman tayo. Kapag di ko inawat ang dalawang to, mamaya pa sila matatapos.


"Tumigil na nga kayo. Eto na tayo sa tapat ng room oh, pumasok na tayo. Pagbubuhulin ko kayong dalawa eh."

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!