Chapter 12

35.7K 1.1K 188

[Louise]

Pagpasok ko sa room ay naupo agad ako sa upuan ako. Para akong bangag. 'Yung klase ba naman ng weekends na puro inom ng alak. Susme.

Sina Azellus, sobrang ku-kulit. Ayaw pa sanang umuwi. Jusko, kulang nalang dun na sila tumira sa unit namin. Psh. Buti nga napa-uwi pa namin. Tapos 'tong si Azellus, babe ng babe. Akala mo, kami eh. Tapos nung pauwi naman siya, text ng text. Feel niya talaga, kami.

Binuksan ko nga pala 'yung bigay niya nong pumunta siya sa unit. 'Yung laman pala ng paperbag, chocolates. Grabe, sisirain ang ngipin ko at gusto yata niyang magka-diabetis ako sa dami non. Isang paperbag e.

"Louise."

Nag-angat ako ng tingin at medyo nagulat ako dahil si Brent pala ang nasa harap ko.

"Ano 'yon?" Hindi na ako apektado sa kaniya. Moved on na ako. Napagtanto ko din naman na hindi naman pala ganoon kalalim ang pagkagusto ko sa kaniya. Na-attract lang talaga siguro ako. Kasi nga, mabait? And matalino. Magaling din kumanta.

Umupo siya sa tabi ko. "First, I want to ask you, how are you? The last time I saw you para kang malungkot."

Na-appreciate ko naman siya sa pangungumusta pero naalala ko pa 'yung akala niya siya ang reason. As if.

"I'm very fine." Sagot ko. Ngumiti pa ako. Kasi okay naman talaga ako. Lutang lang dahil kulang sa tulog. Puyat na, pinupuyat pa ni Azellus ang isip ko.

"Sorry kung naging rude ako no'ng nagconfess ka sa akin before.."

Gawd, ibinabalik pa. Limot ko na 'yon.

"Pwede pa din naman tayong maging friends 'di ba?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Sure. Walang problema." Sincere ako. Hindi naman ako ganoon kasamang tao para supladahan siya saka kahit paano, nagkagusto rin ako sa kaniya before. BEFORE.

Napansin kong iba ang ngiti niya. Parang pa-cute. Pagkatapos ay bigla siyang tumungo at nalungkot. "Break na kami ng girlfriend ko. Nagalit siya sa akin kasi..lagi akong tumitingin sa 'yo."

Nagulat ako sa sinabi niya. So ako ang dahilan ng break-up nila?

"Paanong.."

Huminga siya ng malalim saka taas noong tumingin mula sa akin. "Na-realize ko na mas maganda ka sa kaniya saka at least, may gusto ka sa akin. Hindi ka naman mahirap mahalin eh,"

Nagpakurap-kurap ako ng mata. 'Di ko kasi agad na-gest si Brent. Ano daw?

Lumunok ako nang ma-digest na ng utak ko ang sinabi niya. Ano iyon, feeling naman niya may gusto pa rin ako sa kaniya? Just wow. At dahil mas maganda ako sa girlfriend niya at ano daw? Gusto ko naman siya at 'di daw ako mahirap mahalin. Aba gago 'to a!

"Excuse lang ah," panimula ko pero nagsalita ulit siya kaya natigilan ako.

"We could get along with each other. Pwede tayong lumabas-labas and hayaan mo, hindi ko na ire-reject ang feelings mo this time."

I rolled my eyes. Napabuga ako ng hangin. Seriously? Did he just said that? Oh my freaking heels.

"Patapusin mo muna ako, Brent. Ayokong maging rude sa'yo. Pumayag akong makipag-friends sa 'yo, pero hindi ibig sabihin no'n gusto kong makipaglapit sa 'yo." Ngumiti ako ng nakakaloko. "Masyado ka yatang nag-a-assume?"

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya. "You like me."

"Oo. I liked you. That was before. Pero wala na 'yun. Crush crush lang iyon. Masyado mong ginawang big deal 'yon. Saka 'wag mong masyadong ipagkalandakan gusto kita. Tapos na iyon. Past is past." Paliwanag ko. Ngayon ko mas nakikilala si Brent. Assumero pala talaga siya.

The SubstituteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon