- Alyssa -

Maaga akong nagising para gawin ang daily routine ko, Mag-Jogging tapos magluluto ng umagahan para sa Team and syempre para kay Den.

Habang nag-aayos ng hapag kainan...

"Besh, Good morning! 7 days remaining!" Bungad naman ni Ella.

"Yeah I know."

"Ano yon? Bakit may pag-count down?" Sabi ni A na pababa na din kasunod sila Gretch, Fille, Dzi, Jem, Mae at Ayel.

"Oo nga! Anong meron?" Sabi naman ni Amy na nahuling bumaba.

"Wala. Kami lang ni Ly nakakaalam nun." Sabi ni Ella.

"Ay, grabe! Parang hindi naman ka teammate eh!" Sabi ni Ayel.

"Oo na sasabihin ko na!" Pilit kong sabi ang kukulit kasi. "Ah ano kasi...."

"Binigyan nya yung sarili nya ng ONE LAST WEEK para manligaw kay Besh Den, pero kapag wala pa din progress pagtapos non, engggkk! Tigil na sya sa panliligaw!" Pangunguna ni Ella.

Napailing nalang ako. Hindi daw sasabihin ah. HAHAHAHA!

"Edi wow." Sabay sabay nilang sabi.

"Saan mo inuntog to Ella?" Sarcastic na sabi ni Gretch.

Nagtawanan naman silang lahat.

"Kulang pa ata yung pagkakaumpog mo Ella, umaasa pa din tong si Baldo ng mapapa-oo nya si Den sa loob isa pang linggo." Pang aasar naman ni Fille.

"HAHAHAHAHA!"

"Morning. Ang saya natin ah." Sabi ni.... Den.

Syempre gulat kaming lahat.

"D-den! Kanina ka pa ba jan?"

"Hmmm. kabababa ko lang bakit? Pede ko bang malaman yung pinag-uusapan nyo? Kwento nyo naman." Nakangiting sabi nito sabay upo sa tabi ni Dzi.

"Wala tungkol lang kay Alyssa." Seryosong sabi ni Gretch. Anong meron bakit ang seryoso na nya nung dumating si Den? Nag-away ba sila? "Alam naman namin na hindi ka interesado kahit ikwento namin sayo, magsasayang lang kami ng laway."

"Gretch!" Saway ni Fille.

"Alis muna ako." Sabi naman ni Gretchen tapos lumabas ng Dorm.

"Mga ate sundan ko lang sya." Sabi ko naman.

.
.
.
.
.
.
.

- Dennise -

"Anong meron sa inyo ni Gretch? Hah Den?" Seryosong tanong ni Ate Jem.

"Ah. Ano po.. Wala naman." Sagot ko.

"Besh, spill it out. Team tayo dito, wala dapt sikreto." Singit naman ni Ella.

"Okay okay. Pinagsabihan nya ako sa ginawa ko kay Alyssa sa Canteen kahapon." Nakayuko kong sabi.

"Den, pagpasenyahan mo na si Gretch, para kasing kapatid na nakababata na ang turing nya kay Alyssa." Sabi ni Ate Dzi.

"Alam ko naman yon Ate. Pasensya na po---"

**tok. tok tok **

Dali dali namang pumunta si Amy ng Pinto para tignan kung sino yung nakatok.

"Den, si LA." Sabi ni Amy

"Ah, excuse me mga Ate's."

Paglabas ko isang nakangiting LA ang bumungad sakin.

Why don't you Love me?Basahin ang storyang ito ng LIBRE!