Ch. 12: Plan -part I

Magsimula sa umpisa
                                    


Napaisip siya.


"Oo nga, 'no." sagot niya. Hahaha, uto-uto pala 'to? "Plano ko talagang sirain ang date nila."


Nakuha no'n ang buong atensyon ko.


"What? Paano mo naman gagawin 'yon? And why?"


"Duh, unicorn— I mean, Nathe. Talaga bang tinatanong mo pa kung bakit? Pwedeng common sense nalang kung bakit?"


"Duh ka rin, kaya ko tinatanong kasi may follow-up question 'yon. Kapag nagawa mo 'yang planong sirain ang date nila ngayon, what's next? Nasira man ang date nila ngayon, hindi naman sila maghihiwalay."


Bahagya siyang tumayo at humarap sa'kin saka naupo uli.


"Mas duh ka, syempre ang pagsira sa date nila, hindi lang isang beses gagawin. Maraming beses dapat, depende kung gaano karami ang magiging date nila. Imagine this, kung sa bawat pagkakataon na may pangit na mangyari sa bawat pagkakataon na magkasama sila be it a date or what, be it in mall or in Thelistinebaka maisip nila na they're not meant to be. Alam mo 'yon, ang mga plano ko ang magbibigay ng signal sa kanila na hindi sila pwede sa isa't isa."


"... kasi kami dapat ni Rainbow ang magkasama." nangangarap kong dugtong.


"Nope. Kasi si Mishiela Salvador Almeda ang future niya."


Nagtinginan kami, natigilan, saka nagpalitan ng masamang tingin. Masamang masama. Pero naputol iyon nang may bolang tumalbog talbog palapit sa amin. Sumunod no'n ang pagtakbo ng isang batang lalaki papalapit sa'min, sa tantiya ko ay isang taong gulang pa lang ang bata. Inabot ni Ishii ang bola saka inabot sa bata.


"'Mamat."


"Welcome." nakangiting sagot ni Ishii sa bata na basta lang siyang tinalikuran. Bigla siyang lumingon sa'kin, parang tangang nag-iwas ako ng tingin. Pero binalik ko rin agad ang tingin ko sa kanya, "Continue, katulad nga ng sabi ko, I'll make a plan para sirain ang date nila and as for today, ang naisip ko ay gamitin ang basketball team ni Rainbow."


"How?"


"Nakuha ko ang simcard ng team captain nila kanina..." at ngiting-ngiting inilabas niya ang isang simcard mula sa bulsa ng coat niya.


"Anong gagawin mo dyan?" takang tanong ko.


Hindi niya ako sinagot, instead, nilabas niya ang phone niya. But to her dismay, lowbatt 'yon.


Ayan, hindi marunong magcharge.


"Pahiram ngang phone."


Hindi na ako nagtanong, inabot ko na lang sa kanya ang phone ko. Mukhang isasalpak niya ang sim na hawak niya. At tama nga ako dahil tinanggal niya ang sim ko at ipinalit ang sim na hawak niya.

He's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon