Target 30

10 0 0
                                    

Gabby's POV

Wala talaga ako sa mood para sumama sa mga ito magkape. Ang init init gusto magkape. Pero wala na akong nagawa, nahila na nila ako. Kakatapos lang ng exam, at ang sakit sa ulo ng mga tanong. Pero hindi naman talaga yun ang rason kung bakit ako wala sa mood...dahil yun kay Cheryl at sa lalaking kasama niya. Gustong gusto ko lapitan sila at suntukin yung lalaki at hilahin palayo si Cheryl. Gusto ko siyang itakbo kung saan man kami dalhin ng mga paa namin. Gusto kong hawakan ang kamay niya, ang makita ang mga ngiti niya, makayakap siya at mahalkan. Gusto ko lagi lang siya nasa tabi ko para maprotektahan ko siya. Akala ko naprotektahan ko siya sa ginawa kong pagsisinungaling. Oo, kasinungalingan lang na pinagpustahan namin siya, kasinungalingan lang din yung kay Raymond at Halona. Parehas kami ni Raymond na g*go na pinakawalan ang babaeng pinakamamahal namin para sa kapakanan nila. Akala namin, mapoprotektahan namin sila, akala namin sa bandang huli ay magihing ok din ang lahat at babalik sa dati ang lahat. Pero mukhang hanggang dito na lang talaga.

"Lalim ng iniisip ahh." Napatingin naman ako kay James ng bigla niya ako kausapin.

"Pinilit nyo lang naman ako dito, wala naman akong hilig sa kape."

"Walang hilig o iniiwasan mo dahil mahilig siya sa kape?"

"Pwede ba."

"Sabi ko nga, wala ka sa mood para makipaglokohan sa akin."

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ng biglang tumayo si James, kaya sinundan ko siya ng tingin. Nagulat ako ng nakita ko siya. Gustong gusto ko ng tumayo at lapitan siya, pero natatakot ako na baka tumakbo siya palayo para lang hindi niya ako makausap. Nang napatingin siya sa akin, kinuha ko na ang chance na ito para lapitan siya.

"Cheryl." Ang tagal ko din hinintay ang pagkakataon na ito na makita ulit siya at makausap.

"Anong kailangan mo?" Parang sinaksak ang dibdib ko sa lamig ng boses niya. Hindi man lang siya lumingon sa akin.

"Pwede ba kita makausap?" Please say yes.

"Nag-uusap na tayo di ba?"

"Ng tayo lang sana."

"Ayaw ko."

"Please."

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, nanghihina na ang tuhod ko. Buti na lang at na-convince siya ni Beatrix. Pero gusto niya 3minutes lang kami mag-uusap, hindi na naman niya siguro mapapansin ang oras pag nag-usap na kami.

Umupo kami sa di kalayuan sa kanila. Tinawag ko ang pangalan niya, pero hindi niya ako pinansin, kaya pinagpatuloy ko na lang ang gusto kong sabihin.

"Sorry nasaktan kita. But please believe me, hindi ko ginusto na masaktan ka, na lokohin ka, na...pa-iyakin ka. I'm sorry Cheryl, I'm really sorry."

"Hindi mo ginusto?" Kitang kita na nagpipigil siya ng galit at ng luha.

"Hindi mo ginusto na paglaruan ako, na pag pustahan ako, f*ck. Minahal kita ng totoo, pero anong ginawa mo..." Di ko mapigilan ang magalit lalo sa sarili ko, dahil nakikita ko ang babaeng mahal na mahal ko na nasasaktan.

"I'm sorry Cheryl, naiyak ka na naman ng dahil sa akin. I'm sorry." Nang dahil sa akin, ang magaganda niyang ngiti ay nabahiran ng lungkot ay pait.

"May isa akong tanong, at sana sagutin mo ng totoo."

"Ano yun?"

"Minahal mo ba ako?" Hinawakan ko ang kamay niya at tinignan siya sa mata. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya, kung paniniwalaan pa ba niya ang sasabihin ko, pero gusto ko pa din malaman niya ang totoo.

"Oo." Bigla siyang napatingin sa akin, na para bang nagulat siya sa sagot ko.

"Ano?" Kung pwede ko lang ibalik ang oras...

"Oo Cheryl, minahal kita, at hanggang ngayon mahal pa din kita. Pero I guess, I'm too late... puro kalungkutan na lang ang naibibigay ko sa iyo kaya hindi mo na maramdaman yung pagmamahal na mayroon ako para sa iyo. Gusto kita makausap para makipag ayos sa iyo, at para maging magkaibigan na ulit tayo. Hindi ko hinihiling na balikan mo ako. Masakit, pero gusto na kitang palayain Chery." Hinawakan ko ang kaliwang pisngi niya at nginitian siya, malungkot na ngiti.

"Please Cheryl, please...be happy and stay strong." Nakatingin lang siya, siguro...hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at naglakad palabas ng coffee shop. Ang sakit. Cheryl, please be happy... Kahit na hindi na ako ang rason ng mga ngiti mo, kahit na hindi na ako ang laman ng puso mo... Mahal na mahal kita, sana balang-araw magawa kong aminin ang buong katotohanan sayo. Sana magawa ka niyang protektahan, at sana mahalin ka niya ng higit pa sa pagmamahal ko sayo.

I love you Cheryl.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 06, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Target Game (On-Going/Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon