Chapter 23: Who got your back?

377K 10.7K 2.6K




Angel's point of view

Minsan kapag natutulog ka at may tumititig sayo may tendency na magising ka at 'yon ang nangyari sakin. Pagmulat ko ng mata ko nakita ko si Kiro na nakatitig sakin. Very unusual.

"May pasok ka pa." Paalala niya. "Bangon na, Trix." Minsan nakakatunaw 'yong mga tingin niya. Sa ibang babae, attractive 'yong mga tingin niya pero ewan ko, hindi lang talaga siya tumatalab sakin.

"Ito na nga, babangon na." Umupo ako at nag unat. Tumayo ako at naghilamos. "So, what's your agenda for today?" Tanong ko habang pababa kami.

"I'm going to Aunt Candice's house. How about you? Do you have a date later?" He ask in a teasing way. "I want to know that guy. I want to see if he's really serious with you, if not I'm going to break him into pieces." Cool niyang sabi. Well, to be honest mas malaki at mas maganda ang katawan ni Caleb compared kay Kiro pero underground fighter si Kiro sa New York kaya hindi mo siya pwedeng maliitin.

"Good Morning." Bati samin ni Tita Serina. "Kumain na tayo ng breakfast." Hinanap ko agad si Skie pero wala siya.

"Nauna na si Skie sa school. Angel, ihahatid ka ka lang ni Kiro." Sambit ni Tito Charles. Nagkatinginan kami ni Kiro. "May problema ba?"

"No need for me to do that. Caleb will pick her up." I stared at him. Hindi ko pa nasasabi kala Tita ang tungkol kay Caleb. Napa "oh" na lang siya. "Sorry, Trix. I thought they already knew."

"Angel, nanliligaw ba sayo si Caleb? Si Caleb na kaibigan ni Skie?" Tanong ni Tito Charles. Umupo muna ako tska bago ako magsalita.

"Yes Tito, nanliligaw po sakin si Caleb." Bakit parang medyo awkward sabihin sakanila 'yong tungkol don? Dahil ba sa magulang sila ng ex-boyfriend ko. "Balak ko po talaga sabihin sa inyo kaso naunahan na ako ni Kiro."

"Angel, sasagutin mo ba siya?" Singit ni Tita Serina. Tinignan ko siya at parang nag aalala siya. Nagtinginan sila ni Tito Charles. "Well, siguro nga oras na din para buksan mo ulit 'yong puso mo para sa iba." Ngumiti sakin si Tita pero alam kong pilit lang 'yon. Disappointed ba siya?

Tahimik lang kaming kumain. Sana hindi na lang nasabi ni Kiro 'yon kanina. Medyo awkward kasi lalo na hindi pa naman ako handang sabihin sakanila 'yong tungkol don.

"I know it's a bit awkward. I'm sorry about that." Sambit ni Kiro. "Mom is still hoping for you and Skie to be together again." Alam ko pero hindi na pwedeng mangyari 'yon. "Oh, your suitor is here."

Dala dala ni Caleb 'yong black audi niya. Papalapit pa lang siya samin ang laki na nang ngiti niya. "Good morning, Angel." Napatingin siya sa kanan ko kung nasan si Kiro. "And your are?"

"I'm Kiro, Skie's younger brother and Angel's best friend." Napanganga si Caleb. Alam ko hindi maganda 'yong mga sinasabi ni Skie sakanila tungkol kay Kiro kaya hindi na ako nagulat na ganito 'yong naging reaksyon niya. "Caleb, tama? Madalas ka makwento sakin ni Trix."

"Ah talaga? Sana magaganda 'yong na kwento niya tungkol sakin." Nakatingin siya sakin habang sinasabi niya 'yon. Maganda naman 'yong mga sinasabi ko kay Kiro about sakanya, nung una nga lang hindi. "So, nasabi na din ba niya sayo na nanliligaw na ako sakanya?" Mukhang cool naman silang dalawa habang nag uusap so tingin ko okay si Kiro sakanya.

"Yup and I hope you don't have a plan to hurt her because if you do, I'll hunt you down and break you into pieces." He said in a very serious tone. He's being the protective best friend again. "I'll go back inside, take care of her. Bye Trix."

Feeling ko nakahinga nang maluwag si Caleb nang pumasok na sa loob si Kiro. Nakakatakot naman kasi talaga siya. Natawa tuloy ako sa isip ko. Ang cute ni Caleb kapag medyo natatakot siya.

Breaking the Bad Boy (Wattys 2016 Winner with TV Movie adaptation)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!