Chapter 38: Switch

764K 27.7K 9.7K
                                                  

Chapter 38: Switch

Isa isa kong pinagmasdan ang mga bagay na nakuha ko mula kay flying monkey habang nakaupo sa ilalim ng puno malapit sa ilog. Hindi ko gustong tawagin siya ng ganoon pero hindi ko naman talaga alam ang pangalan niya. At matapos ang ginawa ko, wala na akong balak malaman. Mula sa halos magutay na back pack niya ay may nakita akong ilan pang mga dagger, isang water container, ilang basic first aid supplies tulad ng alcohol at bandages, at isang pakete ng tinapay. Hah. Nakipagpalit siya ng points para sa mga bagay na ito.

Kinuha ko agad ang isang matigas na bun ng tinapay at kinain yon. Hindi ito ordinaryong tinapay. Masyado itong siksik at may lasa na tila dinurog na gulay at karneng sinama sa tinapay. Good choice, flying monkey. Matapos kong inspectionin ang kanyang gamit, binalik ko ito sa back pack at sinabit sa likod ko. Hindi ko din nakaligtaan na kumuha ng dagger at sinabit sa bewang ko. Mabuti ng handa. Dahil hindi ko alam kung ano ang susunod kong madadatnan sa kagubatan na ito.

Bahagya akong sumandal sa trunk ng punong nasa likod ko. Tumingala ako sa langit at bahagyang pumikit. Wala akong maramdaman na ano mang panganib sa paligid. Siguro nga si flying monkey ang tanging pinakamalapit sa akin. Binuksan ko ang mga mata ko at napatingin sa matingkad na kulay ng langit. Papalubog na ang araw. Kita mo nga naman. Mukhang nagawa kong makasurvive sa unang araw ng larong ito.

Matapos ng sandaling pahinga, agad akong tumayo para maghanap ng secured na pwesto para magpalipas ng gabi. Masyado na akong madaming nasayang na oras. Bahagya akong lumayo sa ilog. Hindi ko gustong ako ang madatnan ng kung sino man na naghahanap ng tubig sa lugar na ito. Pinagmasdan ko ang madilim na kakahuyan. Pwede kong ipagpalit ang points ko para sa isang komfortableng higaan o tent. Pero ayokong sayangin ito kung kaya ko namang matulog kahit saan.

Pinagmasdan ko ang isa sa mga mataas na puno at sinimulang akyatin ito. Nang mahawakan ko ang sangang pinupuntirya ko, agad kong ini-angat ang sarili ko gamit ang dalawang palad ko na nakatukod dito. Nang makatayo ako ng maayos, bahagya akong tumalon para i-test ang tibay ng sanga. Okay na siguro ito. Nang masigurado kong kaya na nitong suportahan ang bigat ko, maingat akong umupo at naghanap ng komportableng pwesto bago sumandal sa magaspang na trunk ng puno. I couldn't risk being below the forest ground at night time. Masyadong delikado. Hindi ko alam kung sino ang maaaring makakita sa akin. It could be a wild forest animal or worst, an enemy.

Unti unti akong binalot ng katahimikan ng buong paligid. Tanging ang mga natural na ingay ng kagubatan ang aking naririnig. Mga insekto, pagdaan ng hangin sa malalagong dahon ng puno, ang ingay ng pag agos ng ilog 'di kalayuan sa akin. Pinagmasdan ko ang wrist ko kung saan nakatatak ang points na nakuha ko. 52. I flicked my wrist at lumitaw ang listahan ng points ng mga kasama ko. Maging sila nakaligtas sa araw na ito. Gin has 155 points. Ethan remains at 30 as well as Luna. Si Cain ay naka 56 points at si Vitoria ay naka 45.

Pumikit ako at bahagyang sinandal ang ulo ko sa trunk ng puno. Kamusta kaya sila? May sugatan kaya sa kanila? Matutulog na din kaya sila o kasalukuyan pang naglalakad sa kagubatan o nakikipag laban? Si Lucas, kamusta na? Bumuntong hininga ako. Bukas kailangan ko nanamang lumayo, lumayo sa ilog, sa parteng ito ng gubat, para hanapin ang mga kasama ko. Hindi ko alam kung bakit pero biglang nangilid ang luha ko. Gusto ko ng matapos ito. Gustong gusto ko ng matapos ang lahat ng ito. Binuksan ko ang mga mata ko at tumingala sa langit para pagmasdan ang kadiliman nito. At least we are under the same sky.

--

Nagising ako kinabukasan na masakit ang katawan. Masyadong nag stiffen ang katawan ko dahil sa pagkakasandal sa puno at sa pag iwas na hindi mahulog. Ilang beses din akong nagising sa gitna ng gabi dahil sa mga kaluskos at ingay na nararamdaman ko. Agad akong tumalon sa mahamog na forest floor noong tuluyan akong magising. Basa ang mga bagay na natatapakan ko at masyadong makapal ang hamog sa paligid.

Titan Academy of Special Abilities (Published under Cloak Pop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon