Chapter 4: Our First Date gone... GOOD or BAD???

24.1K 446 34
                                    

Sai’s POV

                GODDAMMIT! Nabo-bore na ako kay Sairah. Masyado siyang masunurin. Lahat na lang ng sabihin ko ay sinusunod. Araw-araw ko rin siyang hatid-sundo sa bahay niya. Hindi ko na sinabi sa kanya na kumuha ng kasama sa bahay kasi ayoko siyang pakialaman. Hindi na nangyari ulit yong kiss na namagitan sa amin dati.

                I don’t know but I don’t want to kiss her. Her taste is addicting. At ayokong maadik. Kaya hindi ko na siya hinalikan ulit after that.

                Isa pa, nadagdagan ang problema ko.

                ~~~*FLASHBACK*~~~

                After ko siyang ihatid sa bahay niya ay dumiretso na akong umuwi. And guess what kung sino ang nadatnan ko sa kwarto ko? Eh di pala sino kundi sinu-sino. Right! It’s the three idiots. That’s what I called my bestfriends.

                My room was a mess when I entered. Jun and Red were playing with my Nintendo Wii while Alex was reading sexy magazines in my bed. There were lots of beer cans scattered around. Mayron pang mga cellophane ng mga kung anu-anong mga snacks. I popped a vein in the forehead. Nainis agad ako dahil sa itsura ng kwarto ko. Pwede bang mambugbog ng kaibigan? Scratch that! Pwede bang pumatay ng kaibigan?

Naku gusto ko na silang ibitin sa isang mataas na puno ng patiwari at paluin sila ng baseball bat sa puwet ng magtanda na sila. Paulit-ulit na lang nilang ginagawa ito sa kwarto ko. At sinasakto pa nila sa mga time na gustong-gusto kong matulog agad. Antukin kasi ako.

                “UY! Sai, my FRIEND!” sabi ni Alex at lumapit siya sa akin pagkatapos niyang itabi ang magazine na binabasa niya. Manyak talaga ang lalaking ‘to.

                Tumigil din sa paglalaro sina Jun at Red.

                “Out of my room.” I said calmly then shouted “NOW!”

                They all sweatdropped at sabay-sabay silang lumabas ng kwarto ko. Kung may dapat silang ikatakot, yun ay kapag pagod at inis ako. Minsan kasi ay ginantihan ko sila isa-isa at ayaw na nilang maulit yun. Hindi ko na sasabihin kung anong ginawa ko sa kanila kasi hahaba pa. Sa susunod na lang na mga chapters. ^_^ Pagod kasi ako at inaantok na ako.

                Kailangan ko na ring maligo because I feel crap. Pero bago ko muna gawin yun. Haharapin ko muna ang three idiots.

                “Why are you here?” I asked instantly pagkarating ko sa veranda. Nandun silang tatlo habang nakaupo sa mga upuan dun at umiinom ng juice na katatapos lang i-serve sa kanila ng maid.

                Bago umalis ang maid ay sinabihan ko itong linisin na ang kwarto ko. Then hinarap ko ulit sina Alex.

                “We realized kasi na wala kang ipinusta Sai kaya itatanong namin kung ano ang ipupusta mo.” Sabi ni Alex sa akin.

The Bet: BED THE NERD...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon