Chapter 2: Sinusulit Lang!

Magsimula sa umpisa

"haha ang kulit talaga ng kapatid mo, college na ba talaga yan? Haha"

(yeah, energetic as always)

"halata nga baka mamaya may boyfriend na yan ah. Dalaga na eh haha"

(tsk meron yata?)

"EHHH? Hindi nga?"

(ang alam ko boyfriend niya yung isa sa mga kaibigan niya, not sure about that)

"BALIW!!! Tanungin mo kaya! Napapansin mo bang napapangiti yan pag nagtetext? O kaya naman nakababad sa internet? O kaya may kausap sa phone?"

(di ko napapansin mga yan. but I think everynight she's talking to someone. Not sure though)

 "hmmm baka nga may boyfriend na ang nakababata mong kapatid! Hala lagot! Baka umiyak na yan or what! Nag-aalala ako"

(she's cried several times I think that was last year. Kung kilala ko lang yung gumawa nun baka inupakan ko na)

"hahaha adik ka talaga! Well at least she's still hyper as ever"

(lumala pa nga ata... tsk)

"haha ang kulit lang niyan"

(pumasok ka na, baka ma-late ka pa. I'll pick you after your class. See yah)

*toooot toot*

Ay binabaan ako! Hmmp. Naligo nalang ako, nag-ayos ng gamit and there! Papasok na ako

"Kuya aalis na po ako" paalam ko sakanila

Commuter lang ako, nakakahiya kasi kay Lance kung parati niya ako sinusundo papasok ng school. Syempre magkaiba naman kami ng schedule ni Lance. Kaya nga heto ako sa bus lang ako.

Pagsakay ko, wow!?  Anong meron? Punuan ba lahat ng bus ngayon o kulang lang ang bus? Grabe ah!

May nakita akong isa pang upuan doon kaso may nakaupong GITARA! What the? Nagbayad ba yang gitara ng pamasahe? Nakakainis ah

"Excuse me" I said pero di ako pinansin ng lalaki, tinitigan ko siya at yun pala ang dahilan! May nakasaksak sa tenga niya!

Hinila ko! Bastusan kung bastusan, pero di ako maririnig nito hanggat di ko ginawa yun

"ano?" may galit sa tono ng boses niya

Aba! At siya pa ang may ganang magalit!

"pwede naman po sigurong maki-upo diba po?" sinusubukan kong hinaan lang yung boses para naman di magmukhang eskandalosa!

"tsk. Oh ayan" saka niya tinanggal yung gitarang naka-upo

Nagbabasa ako ng constitution, may graded recitation kasi kami bukas oo bukas pa naman para lang advance. Pero di ako makapag concentrate! Naririnig ko kasi yung rock song na nagpl-play sa ipod niya! Ano ba yan.

ang high blood ko ba? Kasi naman eh. -.- wala pa ako naaral ni isa para ngayong week, nung isang araw pinagpuyatan ko yung ipapasa kong plate, tapos kagabi puyat ulit ako dahil 12 na din natapos yung birthday party ko kagabi.

Yieeee napapangiti nanaman ako dito mag-isa! Haha

Huminto na yung bus, yung bus kasi sakto sa university humihinto.

Bumaba na ako at naglakad papunta sa room ko.

"good morning" bati nung nakasalubong kong si Ales

"gandang umaga din. Ang aga mo ah?" tanong ko

"ah oo hinihintay ko si Kysler malilintikan yun sakin!"

Hala brutal! Haha

"kayo na ba?"

SL BOOK 2: Complicated Love (FIN)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!