Caela.

ALL STUDENTS PLEASE PROCEED TO THE ARENA NOW!

ALL STUDENTS PLEASE PROCEED TO THE ARENA NOW!

ALL STUDENTS PLEASE PROCEED TO THE ARENA NOW!

Nagising ako dahil sa malakas na announcement na nanggagaling mula sa speaker. Lahat ng dorm ay may nakakabit na speaker para once na may announcement at wala na sa classroom ang mga estudyante ay malalaman pa rin nila.

"Ano kayang meron?" Mabilis akong nag-ayos ng sarili para mapuntahan na sina Michie.

Si Dindin ang unang bumungad sa akin pagbukas ko sa pinto ng kwarto.

"Gising ka na pala, ate. Pupuntahan pa lang sana kita sa kwarto mo para gisingin e. Halika na sa baba, hinihintay na po tayo nina ate Michie." Saad niya sabay hila sa akin pababa ng hagdan.

"Sandali lang Dindin. Baka naman madapa tayo kaya dahan-dahan lang. Wag kang magmadali." Baka kasi mahulog kami sa hagdan.

Ang bilis kasi maglakad, importante ba masyado 'yung iaanounce nila?

"Malamang! Ipapatawag ba kayo kung hindi importante?" sabat ng atribida kong utak.

"Ayy! Sorry po, ate." Napapahagikhik na sagot niya.

Naabutan naming nakatayo 'yung dalawa sa dulo ng hagdan, na sa tingin ko ay mukhang kanina pa sila ready at hinihintay na lang kami.

"Let's go mga sis. Dalian ninyo ayokong malate. At excited na akong masilayan ulit ang Superiors. Hihi. Siguradong nandoon sila!" nagmamadaling ani ni Sophia.

Napatingin din ako kay Michie na hindi na mapakali. Akala ko magugunaw na mundo e, gusto lang pala ulit makita 'yung Superiors.

"Tara na! Bawal mabagal!" At nagmamadali nang lumabas 'yung dalawa.

Take note, hinila pa ako. Hawak nila ang magkabilang kamay ko. Anong meron at trip nilang manghila ngayon?

"Tsk. Sandali nga! Kanina pa ako nahihila e. Tutal gusto ninyong makarating agad sa arena. Lumapit kayo dito sa akin." Iminuwestra ko pa ang kamay ko.

"Bakit sis? Dali, sabihin mo na agad. Baka maunahan tayo sa pwesto. Dapat doon tayo sa unahan para makikita natin sila ng malapitan." Napapakamot sa ulo na ani ni Michie.

Umaatake na naman po ang kaharutan nila. Dahil sa Superiors kaya sila nagmamadali, hindi dahil dun sa iaanounce ng council.

"Lumapit na lang kasi kayo para mapadali na. Sige kung gusto ninyo mauna na kayo, tutal malayo-layo pa rin 'yung lalakarin ninyo." Bumitaw ako sa kanila kaya medyo nauuna na silang maglakad kanina.

"Aish! Ano nga ka-"

Hindi ko na pinatapos si Sophia sa sinasabi niya. Wala pang segundo nang marating ko ang pwesto nila. Kung sila pa lalapit sa akin lalong magtatagal, ang dami pa kasing sinasabi. Sana ginawa ko na pala agad 'yun kanina, kesa utusan pa silang lumapit sa akin.

Okay, it's my fault!

Nakita ko ang gulat sa mga mukha nila pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin iyon. Hinawakan ko na sila bago pa magreact ulit.

And we arrived at the arena within just a second. Perfect!

Sa sobrang laki ng academy baka abutin kami ng ilang minuto bago makarating doon. Kaunti pa lang ang mga estudyanteng nandito kaya nakaupo kami sa bandang unahan.

Nilingon ko ang tatlo kong kasama na ngayon ay mukhang nakarecover na. Hindi pa rin yata sila sanay. Hay!

"Wow, ate Caela! Paano mo po nagawa yun? Kaya mo palang magteleport? Astig!" Tuwang tuwang sabi ni Dindin sa akin.

Princess of the Mystique KingdomBasahin ang storyang ito ng LIBRE!