Isang malakas na tunog na nang galing sa bubong naming ang gumising sa akin, Shet! Umuulan nanaman, Ako? I used to hate the rain, kasi sagabal ito para sakin, may mga lakad akong hindi natutuloy, may mga oras na hindi ko kailangan mabasa pero nababasa parin pero I know this one person na kahit anong oras at araw pa umulan, hindi nya makitang mali ang pag ulan, This person loves the rain so much, sya ang nagpakita sakin na napakasarap ng pakiramdam pag umuulan.
"Lorraine anak, magdala ka ng payong ah, baka magka sipon ka" Agad na bungad ng nanay ko habang nagbibihis ako sa kwarto para magready pumasok sa klase ko.
"Opo!" sagot ko para matigil nadin ang pangungulit ni Mama sa pinto habang abala akong maghanda
Eto nanaman, umuulan nanaman, bwiset, unahan nanaman sa jeep, lahat ng katabi mo kung hindi basa, may dalang basang payong, nakakinis, pinaka ayoko talaga pag umuulan. Lumabas na ako sa bahay dala ang payong na bilin ni Mama sa akin, hintay ng jeep, as usual lahat puno, maghintay ka pa ng hindi puno. Naglakad lakad na din ako papunta sa terminal kasi naisip ko na baka malate lang ako sa katangahang paghihintay na ginagawa ko, sobrang lakas ng ulan, halos hindi nakakatulong ang payong na bitbit ko, at nagulat nalang ako ng umihip ang sobrang lakas na hangin na halos pati ako ay madala, pero nilabanan ko nalang muna kasi ayokong mabasa!
Habang naglalakad ako ay may nadaan akong isang lalaki na tila walang masilungan at walang dalang kahit ano na pananggi sa napakalakas na buhos ng ulan, nakatayo lang sya sa ilalim ng ulan at naawa ako kaya nilapitan ko, ngunit habang papalapit ako sakanya ay napapansin ko na nakapikit ang mga mata nya at nakangiti, nung makalapit ay agad kong syang isinukob sa aking payong, napatingin sya bigla sa akin,
"Okay lang ako, wag mo na akong payungan" sabi nya
"Baka magkasakit ka kasi kaya sinukob kita, basang basa ka na nga oh!" sagot ko
"Sige na baka may kailangan ka pa puntahan, okay lang ako, pwede mo na ako iwanan"
Medyo nainis ako at tinangal ko ang pagkasukob ng payong ko sakanya at umalis nalang ako at baka mahampas ko pa to ng payong ko
"Salamat nga pala pero Okay lang talaga ako" sigaw nya habang papalayo ako sakanya. Napalingon ako sakanya at nginitian ko nalang sya
"Walang problema, basta pag nagkasakit ka, wag mo sabihin saking di kita pinayungan ah" sabi ko
Ngumiti nalang sya at lumapit sa akin
"Robi nga pala" pakialala nya habang inaabot nya yung basang kamay nya sa akin. "Ay! Basa nga pala yung kamay ko" hinawakan ko nalang at nakipagkamay sakanya
"Okay lang, di ko naman ikakamatay kung hawakan ko yan" "Lorranie nga pala" pakilala ko habang magkahawak ang kamay namin at nakatingin ako sa mga mata nyang nakangiti din sa akin.
"Sige na at baka may pupuntahan ka pa" sabi nya "Alam ko naman magkikita pa ulit tayo"
Nakangiti ako habang papalayo ako sa kanya, he has this aura na nung hinawakan ko sya parang may kakaiba dito sa taong to, parang gusto ko sya makilala, sana magkita pa kami ulet.
My day ended na normal pero naiisip ko padin si Robi, ewan ko parang may something sa kanya na gusto ko malaman. Habang naiisip ko ay nakatulog na din ako sa sobrang pagod sa maghapon. Nagising ako sa tila isang malakas na ulan na tumatama sa bubungan ng bahay namin.
YOU ARE READING
Let it fall
Short Story"If you love someone, Tell them that you love them. Don't wait until you loose your chance." Lorraine is an average girl who will find love in the middle of the rain.
