Chapter 8

6.8K 228 0
                                    

It's already five in the afternoon and I'm still thinking how to start my plan of pissing Axel. Nandirito lang ako sa library habang nasa labas pa ang dalawampu't limang bodyguards na sunod-sunuran sa lalaking yun na bantayan ako dahil hindi naman sila maaring pumasok dito. Tanaw ko sila dito mula sa kinauupuan ko dahil glass window ang kalahati ng pader ng library. Nakapila sila doon ng sunod- sunod na parang mga langgam at lahat ng estudyanteng dadaan sa harapan nila ay mababakasan ng takot ang mukha. Kahit naman sino matatakot e. Puro kaya sila nakaitim lahat. Para silang miyembro ng kulto. Tss.

"Hon. I think I should go. Ruther might get mad if I came home late."

Yeah right. Her oh-so-paranoid boyfriend. Or should I say live in partner? Yes. They are living together kahit hindi pa sila kasal. Well, they love each other. Hindi ko na problema iyon at ayaw ko na rin problemahin dahil may sarili akong problema. Ang inisin ang lalaking yon! Hmp.

"Right. See you tomorrow. Love you."

I gave her a quick kiss in her cheek as she does the same.

"Love you more hon. Take care."

Then she smiled and left. Naikwento ko na sa kanya lahat. Lahat. Ngunit lahat ng iyon ay puro kasinungalingan. Ang sabi ko ay nagkasakit ako ng tatlong araw kaya hindi ako nakapasok. Noong una ay hindi sya naniwala pero kalaunan ay pinalagpas nya na lang din. Tinanong rin nya ang tungkol sa mga bantay na iyon at ang sabi ko na lamang ay may mainit na kalaban sa business partner si dad at gusto akong gawing pain dahil sa hindi naituloy ang merging ng dalawang kompanya. Alam kong magagalit sya sa akin dahil kahit isa sa sinabi ko ay walang totoo. I'm sorry. Maiintindihan nya naman siguro kapag nagkataon. Wala rin akong nabanggit na kasali sa Mafia ang pamilya namin. Higit sa lahat ay yung araw na naiba ang huling pangalan ko. Para saan pa ba? Alam ko namang hindi rin ito magtatagal.

"A penny for your thoughts?"

Napatingin naman ako sa umupo sa harap ko. Hindi na ako nagulat dahil alam ko namang kanina pa may nakatingin sa akin at kahit anong oras ay lalapit ito.

"Who are you?"

"Ang sungit."

Tinaasan ko naman sya ng kilay pero nginitian nya lang ako. Iniba ko na lang yung tingin ko dahil parang hinihigop ako ng ngiti nya. Well, he looks handsome. But Axel is better than--

What the hell did I just say?! Ugh! This is unbelievable. He's an ugly creature; physically, mentally and emotionally. Isama mo pa pati socially! Agh!

"You're Zianelle right?"

Tumango lang ako habang pilit kong sinisilip yung mga bodyguards ko. Nasan na yung mga yun? Bakit nawala bigla? Gumuhit naman ang pagtataka sa mukha ko pero lumamang pa rin yung saya.

"I'm Akon."

Tiningnan ko naman sya nang magpakilala sya. Nakangiti sya sa akin kaya wala akong ibang nagawa kundi ang gantihan na lang ang ngiting yun. He looks harmless. Hindi naman siguro masama kung kakausapin ko sya.

Mahigit sampung minuto na kaming magkausap at masasabi kong punong-puno ng humor sa katawan ang lalaking ito. However, I didn't laugh whenever he tried to put some joke. Puro ngiti lamang ako dahil naiinis akong vibrate ng vibrate ang cellphone ko. Nakasilent ito ngunit alam kong tumatawag na sya. Bahala ka sa buhay mo.

Sunod-sunod ang beep ng cellphone ko kaya wala akong ibang nagawa kundi ang basahin ang text messages na iyon.

Na sa iisang tao lang galing.

From: Axel
-Answer your phone.

From: Axel
-Where are you?

The Mafia Boss' WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon