Chapter 12

207K 7.8K 4K
                                                  



Enjoy! :)


CHAPTER 12.

Ako: Ikaw kasi ang shunga mo. Gusto mo talaga akong napapahamak, no? Alam ng hindi ka pwedeng makita ng kuya ko pero lumabas ka pa rin talaga!!!

Ross: Hindi ko naman alam na hindi ako pwedeng makita ng kuya mo. Sana sinabi mo agad para 'di nako lumabas at umalis nalang ako. Nakalimutan ko lang talaga yung jacket :D

Ako: Jacket your face. Ang ending 'di mo rin kinuha ang jacket mo. Peste ka.

Ross: peste you too, baby. :*

Ako: Pakyu. Huwag mo tawaging baby! Ang bading mo. Matutulog na'ko bye.

Ross: Gege. Paano pala bukas? Magkikita ba tayo para sa task number 2?

Ako: Ewan ko. Baka 'di rin ako makaalis ng bahay. Baka i-grounded ako, e.

Ross: Ay, ano ba yan. Ang protective naman ng kuya mo sa little girl nila :D

Ako: t(-_-t)

Ako: Goodnight!

Ross: Goodnight, baby! :*

Ako: Isa pang baby. Block ka sakin.

Ross: Haha. Goodnight, bro! :*

Inilapag ko na sa gilid ko 'yung cellphone at hindi na nagreply sa lecheng Ross na yun. Nung umalis na siya kanina, bigla siyang nagtext. 'Di naman ako makareply dahil wala nga akong load. Pero nagulat nalang ako nang bigla niya akong pasahan ng load. Edi, swerte ko, 'di ba?

Joke. Hindi pa rin pala ako swerte. Mukhang mayayari ako kay Kuya Joseph bukas. Sana lang hindi niya ako isumbong kay Kuya John dahil mas lalo akong malalagot. Baka mawalan ako ng allowance.

Nung nakita ni Kuya Joseph si Ross kanina, hindi naman na ito nagtanong. Pinauwi niya lang si Ross at sinabing gabi na. Nang makapasok ako sa loob ng bahay, binilinan nalang ako ni Kuya Joseph na matulog na raw. Pero huwag daw ako muna ako magsaya dahil hindi niya papalampasin yung pagtakas ko at yung nakita niya. Mag-uusap daw kami. Pahamak na Ross talaga 'to. Malilintikan talaga ata ako.

Pero kahit ganun yung nangyari at ginawa ni Ross, sa totoo lang hindi ko magawang magalit sa kanya. Siguro dahil pinaghintay ko siya ng ilang oras kanina. Tapos nilibre niya pa ako ng kikiam at fishballs. Compesation ko na sa kanya kumbaga na huwag na magalit sa kanya.

Sa totoo lang din mas nag-iiba na talaga ang tingin ko sa pagkatao ni Ross. Bawat sandali na lumilipas at nakakausap ko siya, mas nakilala ko siya ng lubusan. Sa bawat pagkatao niyang nakikilala ko, mas napapatunayan niya sa akin ang sarili niya.

Medyo napapatunayan na niyang hindi nga siya yung taong nakilala ko mula sa kalayuan at sabi-sabi ng karamihan. Na ang totoong Ross Eliseo Valentin ay normal na tao rin pero may mabuting kalooban. Ang bading man pakinggan pero medyo nagiging okay sa akin si Ross. Okay bilang tao, ha. Hindi bilang boy-ewww-friend dahil yak talaga yun.

Nakakatuwa lang din 'yung mga bagay na nalaman ko tungkol sa pagkatao niya.

Mahilig siya sa kikiam at fishball.

Wala na siyang mommy katulad ko. (Hindi ako natuwa rito, okay?)

Isa lang siyang anak ng mommy at daddy niya. May half-brother siya.

No girlfriend since birth DAW siya. Na hindi ko alam kung totoo ba.

Mas gusto niya ng Royal na softdrinks. Iyun lang ang iniinom niya.

Lesbi In Love (Wattys 2015 Winner) (Published Under Rebel Fiction/ PHR)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon