"Saan ba sila galing?" Tanong ko ulit.

"Sa ekpedisyon." Sagot ni Nisha na ngayon ay ngiting-ngiti.

Medyo marami rin pala ang mga Mestro dahil halos nasa 15 sila. Pero nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang babae na nakasuot ng white coat at nakasakay sa brown na pegasus.

Side view lang ang nakikita ko pero namumukhaan ko siya. Sinubukan kong lumapit sa mga nagkukumpulang mga scholars at tiningnan ang mukha ng babae.

"Irine, may problema ba?" Tanong ni Cyndel.

Sister Leyva.

"Kilala ko siya! Kilala ko siya!" Tinuro ko si Sister Leyva na ngayon ay papalayo na sa 'min.

Nakita ko ang mukha nila Nisha at Cyndel na buong pagtataka.

"Dito muna kayo." Bilin ko.

Sinubukan kong habulin ang mga Mestro kahit na pinabilis nila ang takbo ng mga pegasus papunta sa Tyro Ring.

Ilang ulit kong sinisigaw ang pangalan ng pamilyar na mukhang nakita ko.

"Sister Leyva!" Tawag ko.

Pero hindi siya lumingon hanggang sa tuluyan na silang nakapasok sa Tyro Ring.

Hindi ako sumuko at hinabol sila papasok ng susunod na ring.

"Sister Leyva!" Sigaw ko pa.

Hindi maaari. Papasok na sila sa Stager Ring.

"Sister–"

"Irine! Baka nagkakamali ka lang!" Nahabol ako ni Nisha at hinawakan ang braso ko.

"Hindi! Siya talaga 'yon! Alam kong siya si Sister Leyva!" Excited kong sabi.

Hindi ako pwedeng magkamali. Sa araw-araw kong nakikita ang mukha niya dati, kabisado ko na ang itsura ni Sister Leyva. Alam kong siya ang nakita ko. Alam kong siya 'yon.

"Umuwi nalang tayo, Irine," ani Cyndel.

"Pero–"

"Hindi rin natin sila makakausap. Tingnan mo..." Turo niya.

Nakita kong bumubukas na ang gate papunta sa next ring. Papasok na silang lahat sa Stager Ring.

"Siya talaga 'yon." Pilit kong sabi.

"Oo. Sige sabihin nating siya. Pero umuwi muna tayo," sabi ni Nisha na parang nagmamakaawa.

Tiningnan ko silang dalawa. Bakas na nga sa kanila ang sobrang pagod.

Bumuntong hininga ako. "Patawad."

"Ito naman!" Pinalo ni Cyndel ang braso ko. "Halika na nga. Sa susunod nalang natin siya kausapin. Ayos lang?"

Tumango ako at ngumiti.

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa guild pero hindi parin maialis sa isip ko si Sister Leyva. Kung siya nga 'yon, maaaring isa siyang enchanter o anumang genus sa Amaryllis.

Hinawakan ko ang amulet ni Sister Martha na nakapaloob sa damit ko.

Magkapatid sila...

Pati si Sister Martha ay galing din dito?

Ang dami kong gustong tanungin kay Sister Leyva. Kung bakit nandito siya, kung bakit hindi nila sinabi sa 'kin dati kung ano ang tunay kong katauhan, o kung kamusta na ang mga bata sa ampunan.

Pagdating namin sa guild, umakyat kaagad kami at pumunta sa kwarto. Nasa 5th floor ang kwarto naming tatlo.

Kaagad silang nahiga at ako naman ay naupo lang sa higaan, iniisip parin kung paano ko makakausap si Sister Leyva. Hindi naman ako pwedeng pumasok sa kabilang ring.

[HOLD] Enchanted: The Accursed DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon