Chapter 26

9.3K 327 32

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 26

I R I N E

Kanina pa ako hindi komportable habang hinihintay matapos sila Cyndel at Nisha sa training.

Pagkaalis nila Sov at Red kasama ang iba. Lagi ko naman nang naaalala ang ginawa ni Red sa likod ng tenga ko. Kaya ilang beses ko na ring inuntog ang sarili ko sa puno at nagbabakasakaling makalimutan ko 'yon.

Marahas kong hinimas ang parte kung saan niya ako hinalikan at pinalo ito. Nakakainis talaga! Parang nararamdaman ko parin ang halik niya sa likod ng tenga ko.

"Bwisit!"

Pinalo ko ang espada sa lupa. Bakit niya ba kasi ginawa 'yun?! Ilang beses ko nang tinanong ang sarili ko kung bakit pero wala akong mahanapan na sagot! First time ko rin na madampian ako ng labi ng isang lalake!

"Kanina ka pa nakasimangot diyan." Tumabi sa 'kin si Nisha sa isang punong natumba. "Ano bang problema?" Tanong niya.

"Wala." Simangot ko.

Gusto ko lang gawing yelo si Red kapag nagkita kami.

"Sa itsura mong 'yan na parang binagsakan ng isang dragon tapos wala kang problema?"

Napatingin ako sa kanya dahil sa exaggerated niyang banat.

"Baka dahil namimiss niya si Stager Red." Biglang sumulpot sa tabi namin si Cyndel.

"Tumahimik ka nga!" Tumawa silang dalawa na parang nagkakaintindihan.

Mukhang silang dalawa na nga ang mas close dahil pinagkakaisahan nila ako.

"Alam mo bang ngayon ko lang nakitang nakipaglaban si Stager Red ng wala pa sa kalahati ng lakas niya?" Biglang napukaw ni Cyndel ang atensyon ko.

"Wala pa sa kalahati?" Takhang tanong ko.

"Nang pinanood kasi namin kayo, halatang pinipigilan niya ang lakas niya." Sagot ni Cyndel.

Pinipigilan? Pinipigilan ba yung halos mabalian na ako ng buto dahil sa sipa at mga pag-atake niya? Nagpipigil pa siya sa lagay na 'yon?

"Kung nakita mo lang ang mga naging kalaban ni Red dati, halos hindi na sila makatayo. Pwera lang sa 'yo. Kahit na nasaktan ka niya, aminin mong nawala kaagad ang sakit diba?" Ani Nisha.

Napaisip ako.

"Hindi ka niya kasi talaga nilabanan ng seryoso." Dugtong ni Cyndel.

Kumunot ang noo ko. So ano ang ibig nilang sabihin? Na minamaliit ako ni Red dahil baka masaktan niya ako sa sobrang layo ng agwat ng lakas namin? Aba! Nakakainis na ah!

"Kung ako nga, pagkatapos ng training, halos hindi ko na mabuhat ang sarili ko at pagdating natin sa guild, bagsak kaagad ako sa kama."

"Ako rin." Sumang-ayon si Cyndel kay Nisha. "Minsan nakakakuha pa ako ng sugat pero mabuti nalang nandiyan ang Plasma Family para gamutin tayo."

Sa tono ng boses nila, nararamdaman kong pagod na sila dahil sa training. Bilib ako sa tapang na pinapakita nila habang nasa labanan. Kahit na lalake ang nakatraining partner nila, hinding hindi sila uurong.

"Nandiyan na ang mga Mestro! Nakabalik na sila!" May isang kasamahan kaming sumigaw galing sa gate. Kaagad namang nagsitakbuhan ang iba at nagkumpulan sa harap ng bumubukas na gate.

"Nandiyan na sila!" Sigaw ni Nisha. Pati silang dalawa ay parang excited sa dadating.

Ako lang naman ang hindi.

Enchanted: The Accursed DaughterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!