Chapter 33 "Good Terms"

16 5 0

A/N: Guys, tigil muna dito, hahaha, mag-iisip pa ulit ako ng pandag-dag pa sa iba pang mga susunod ng chapters, konting intay lang, hahahaha... Please don't forget to Vote. Comment. Share. Thank you and God Bless... *^▁^*
~~~~~
Alyssa's POV
(November 21, 20**, Friday, 9:30am)
(LRIU-MC, Room 3-A)
Vacant time namin ngayon at maya-maya lang ay magka-klase na ulit kami, 15 minutes ang free-time namin kaya minsan ay nakaka-bored kapag talagang walang magawa...

In-announce na din pala ng aming mga teachers ang gaganaping Halloween Party next week, na-late kami sa totoong araw ng occasion na dapat ay 2nd week of the month, November 24-26, Monday to Wednesday, kasi hindi namin namalayan ang buwan ng November kaya last week lang nila napag-usapan ang gaganaping occasion next week...

Pinag-uusapan na din namin ngayon ang susuotin na costume para sa Tuesday, wala kaming pasok sa Monday at Wednesday dahil ang gagawin kasi sa Monday ay mga elementary ang unang mag-ha-halloween party at parang ginawa namin noong foundation week, maraming booths na galing sa iba't ibang elementary, highschool at college levels, sa Wednesday naman mga college naman ang mag-ha-halloween party, at ganun din ang tema, maraming booths kaya busy sina Ate Nadine...

(*blag..blag..blag...*)

Napatingin naman kami sa harap dahil gumawa ng ingay ang aming class president na si Lexie para makinig sa sasabihin nya...

"Excuse me guys!!! Dahil vacant natin ngayon, gumawa ako ng pagbubunutan natin na magiging costume natin sa Tuesday, game ba kayo?!"

Tanong nya naman samin, sabay-sabay naman kaming sumagot ng 'oo', tapos pinagpatuloy ni Shirley ang pagsasalita, sya naman ay vice president ng klase...

"Sa sinabi ni Ate Lexie, bubunot nga kayo dito sa glass bowl na hawak ko, isa-isa ang pag-bubunot, nakahanay dapat at 'wag magtutulakan, sa ating class officers nga pala... hindi tayo bubunot dito may sarili tayong pagbubunutan ng papel na may nakalagay ng costume na isusuot natin sa Tuesday, kung magkaparehas man, okay lang yun, basta lahat tayo naka-costume, sa mga kasali naman dito sa Campus Royals, naghanda na din kami ng pagbubunutan nyo, katulad lang ng sinabi ko kanina sa mga class officers, sa office ng Supreme Student Council tayo magbubunutan okay? Ganun din pala sa mga class officers... yun lang at humanay na kayo dito para bumunot ng susuotin nyong costume..."

Ilang minuto pa lang natapos na ang magulong pagbubunutan ng mga kaklase namin, magulo kasi excited sila sa magiging suot nila, hahahaha, nakakatuwa, kami kayang mga kasali sa Campus Royals, ano kaya ang mabubunot namin?

Sa barkada kasi,sa aming mga highschool students pa lang, Ako, Ross, Ate Trixia, Kuya Kervy, Ate Cristine, Kuya Geryanne, Greyson, Miguel, Benj, Drake, James, Eunice, Mark, Irish, Bryan, Cathy, Ravien at Raven, kasali kami sa Campus Royals, kasama na din ang college students na sina Ate Nadine, Kuya James, Ate Camille, Kuya Boom, Ate Ayen, Kuya Rocky at Kuya JB...

Masydong marami kaya hindi ko na sasabihin...

Kasama na din pala namin sa barkada si Kevin, mabait pala sya, at hindi mayabang, nakapag-yabang lang sya dati kasi akala nya magugustuhan namin syang maging kaibigan kapag nalaman namin na alam nya lahat...

Good terms na kaming lahat, si Kuya JB, busy sa studies nya, at priority nya ang pag-aaral at pagiging kaibigan nya sa amin lalo na ang pagiging 2nd brother nya kay Ate Trixia, kina Ate Ayen at Kuya Rocky naman, medyo nagpaparamdaman na sila ng nararamdaman nila sa isa't isa, nagiging less loud na ang mga boses nila, yung hindi na sila nagsisigawan, nagtutulungan na din sila sa mga bagay-bagay at hindi sila nag-aaway, sina Ate Camille at Kuya Boom, nagliligawan na sila ,last 2 months pa nililigawan ni Kuya Boom si Ate Camille, hindi sa pakipot pa si Ate Camile pero, sinisigurado lang nya na kaya ni Kuya Boom ng matagal na panliligaw na may halo paring desire na mapasagot nya si Ate, at iparamdam nya pa rin dito ang pagmamahal...

Sina James at Eunice, nabalitaan namin na may namumuong pagtitinginan sila sa isa't isa, ganun din sina Bryan at Cathy, sina Mark at Irish naman, ganun din pero, inaasar lagi ni Mark si Irish para hindi mahalata ni Irish ang nararamdaman nya para dito, may pagka-ewan din si Mark ehh...

Sina Ravien at Raven, focus nilang boys ang pag-aaral, kaso si Ravien may nagugustuhan na babae na kaklase nila, kaya naguguluhan sya ngayon kung ipaparamdam ba nya sa babaeng gusto nya na gusto nya ito o gagawin nya na muna syang inspiration sa pag-aaral, si Raven naman, focus na focus sya sa pag-aaral, kaso, lapitin naman sya ng babae, I mean, hindi sya katulad nila Benj at Drake, pero maraming nagkakagusto sa kanya, may pagka-mysterious-nerdy-quiet-type kasi si Raven, gwapo sya pero focus nya talaga ang studies nya at hindi nya pinapansin yung mga babaeng nagkakagusto sa kanya...

Sina Ate Joybie at Kuya Greyson, parang sina Mark at Irish, napaparamdaman ng feelings nila, sina Ate Aira at Kuya Miguel, parang sina James at Eunice, may namumuong pagtitinginan sa isa't isa, dun naman sa apat, sina Ate Lexie at Kuya Benj, medyo complicated, hindi na playboy si Kuya Benj, kaso si Ate Lexie naman, hindi pinapansin si Kuya kaya nagkakatampuhan yung dalawa, MU na din kasi sila kaso magulo sila parehas, ganun din sina Ate Shirley at Kuya Drake, pero nagpapansinan naman yung dalawa, inaayos nila yung pagkakatampuhan nila...

Sina Ate Nadine at Kuya James naman, sila na pala, 2 months ng sila, sobra nga silang sweet sa isa't isa ehh, si Kuya Geryanne at Ate Cristine, syempre nagliligawan pa lang, pero sobra ang efforts na ginagawa ni Kuya Geryanne kay Ate Cristine na panliligaw kaya sobra din ang kilig na nararamdaman ni Ate Cristine sa ginagawang efforts ni Kuya Geryanne, sina Kuya Kervy at Ate Trixia naman, pinaparamdam ni Kuya Kervy na mahal nya talaga si Ate Trixia, bumabalik na din sa dati ang pagiging magbestfriend nila, kaya posible din na iparamdam din ni Ate Trixia na mahal nya pa rin si Kuya...

Sa amin naman ni Ross? MU din katulad nina Kuya Geryanne at Ate Cristine, nililigawan na din ako ni Ross, sobra din ang efforts na ginagawa nya, masaya kaming lahat dahil natapos na ang problemang hinarap namin noon...

-----

Unexpected LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!