Chapter 25

10.6K 364 26

ENCHANTED: The Accursed Daughter
©EmpressWinteroo

Chapter 25

I R I N E

Payo ko sa inyo,

Always think twice. ALWAYS.

Dahil pagsisisihan niyo kapag di kayo nag-isip.

Katulad ko.

"Waaaa! Ayoko pala!"

"Tumahimik ka nga."

Hindi magandang ideya na si Red na naman ang magiging teacher ko sa battle training.

Bakit?

Una, stager siya. Pangalawa, mas malakas siya sa 'kin. At pangatlo, brutal siyang magsalita. In short, sadista.

Nang marealize ko ang lahat ng 'yan, binawi ko na ang sinabi ko sa kanya na kung pwede siya nalang ang maging teacher ko.

Pero huli na ang lahat dahil kinakaladkad na niya ako papunta sa battle ground.

"Ayoko na sayo! Kay Cyndel nalang ako magpapaturo!" Sigaw ko.

"Humingi ka ng tulong kanina, kaya hindi ako tatanggi."

"Hindi daw tatanggi?! Eh kung sumagot ka nga dati kung pwede mo akong turuan no'ng amateur ako, mas mabilis pa sa cheetah ang pagsagot mo ng hindi tapos ngayon sasabihin mong hindi ka tatanggi?!"

Kung alam ko lang, gusto niya na naman akong pahirapan sa training. Natutuwa siyang pagalitan ako at nakikitang nagkakamali. Sadista si Red. Ang hari ng mga sadistang enchanter.

"Ang ingay mo."

At iyan pa ha. Ang gulo niya talaga, napakabipolar. Minsan kalmado, minsan naman masungit. At madalas, brutal magsalita.

Nang binitawan niya ako, nakahanap kaagad ako ng tyempo para tumakbo.

Ha! Tatakas ako sa kanya.

"Lucere valum!"

"Aray! Ang sadista mo! Ang sadista mo talaga, Red!"

Umupo ako sa lupa at hinimas ang noo kong nauntog dahil sa isang barrier na ginawa niya sa daang tinatakbuhan ko.

"Tumayo ka diyan. Para ka na namang bata." Hinila niya ang braso ko at pinatayo. Kinaladkad niya ako sa isang lugar may patag na lupa.

Malayo kami sa ibang kamiyembro namin. Nasa gitna kasi ito ng malaking dalawang building kaya hindi kami masyadong napapansin.

"Tumayo ka ng maayos."

"Ayoko." Nakasimangot kong sagot habang nakacross ang mga kamay ko.

"Wag nang makulit."

"Ayoko."

"Irine."

"Red."

"Tsk!"

Pfft. Naasar siya.

"Basta A.YO.KO."

"Bakit ba ayaw mo?"

"Masasaktan lang ako."

Kumunot ang noo niya. Totoo naman kasi. Takot ako na masaktan physically dahil wala naman akong kaalam alam sa labanan. Paano kung masugatan niya pa ako?

Biglang lumapit sa 'kin si Red at yumuko hanggang kaeye level ako.

Gulp.

"Natatakot kang masaktan?"

Enchanted: The Accursed DaughterBasahin ang storyang ito ng LIBRE!