Thank you very much po sa mainit na muling pagtanggap friendships! I love you all!

Dahil tuluy-tuloy na nga po ang pagbabalik na ito kaya naman once, twice or even thrice a week po ang update ah. Depende po sa sipag at pagiging abala ko pa rin yan. Hehe. Nagsusat din po kasi ako sa PHR tapos may work pa. For the sake of passion po talaga ito. :)

Malapit ko na rin pong ipost ang ending ng Fantasy: They Exist. #FTE. kaya abangan po yan!

At kung hindi naman po masyadong abala. Kung may time po kayo. Pa-follow naman po sa mga sumusunod. Get to know me more! Mwah! Wink! ;)

Twitter: @lady_25me

facebook: https://www.facebook.com/jayson.aldama.5

booklat: http://www.booklat.com.ph/profile/14488

instagram: spontaneous_aldama

Enjoy reading!Happy weekend! ;)

CHAPTER THIRTY ONE

TRUE FEELINGS

ERAH ALERIE (POV)

Sa kwarto nya pa talaga ako dinala para gamutin. Masino nya akong inalalayan hanggang doon. Hindi ko na alintana ang sakit at tumutulong dugo sa palad ko dahil sa kahibangan ko. Gusto kong sa lalaking ito lang mahibang eh. Sana kasi ganun din siya sa akin.

"Dahan-dahan ah." Sambit pa nya pagbukas nya ng pinto ng kwarto niya. Bakit ba sa boses palang nya ay nanghihina na ako? Nanghihina ako pero parang gagaling din ako kaagad. Nakakalito rin eh. Ganito ba ang magmahal sa taong hindi ka naman mahal? Ganito ba ang magmahal ng mag-isa? Magulo. Nakakabaliw. Masaya ka pero sa sarili mo lang at hindi mo mailabas.

Pinaupo nya ako sa gilid ng kama saka nya kinuha ang first aid kit sa isang cabinet. Dati sigurong boy scout itong si Aldrin. Laging handa. Pagkabalik nya ay agad nyang kinuha ang palad kong may sugat. Yung sandaling lumapat ang kamay nya sa kamay ko. Wow! Parang may kakaibang kuryenteng dumaloy sa akin. Napatulala nalang ako habang pinagmamasdan syang linisin ang sugat ko.

"I'm going to put an alcohol para hindi ka matetano. Masakit to. Hihipan ko nalang para mabilis na mawala ang sakit." His voice was warm and tender. Feeling ko girlfriend nya ako habang sinasabi ang mga salitang iyon. Yung concern niya. Punyeta lang oh.

Ayun nagbuhos siya ng alcohol sa bulak saka dahan-dahang ipinahid sa sugat ko. Simula palang ay napabalikwas na ako. "Aray."

"Tiisin mo. Para sayo rin to." Saka niya hinipan ang palad ko. Yung hangin na nagmumula sa bibig nya ay ginhawa ang dulot paglapat sa balat ko. Punyeta lalo akong nahuhulog sa ginagawa niya. Sayang at walang sasalo.

Matapos niyon ay nilagyan nya ng betadine saka binalot ang sugat ko ng grasa. Pwede na siyang naging nars. Ang galing mag-alaga.

"Napano ka ba? Magpapadulas ka nalang sa bubog pa." Tila sesermonan na niya ako. Seryoso ang gwapo nyang mukha.

Ganon talaga para pansinin mo ako at tigilan mo yung babaeng ahas. Belat! Gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. "Sorry na. Madulas kasi yung sahig." dahilan ko.

"Sa susunod mag-iingat ka. Ayokong may nangyayaring masama sayo." Walang kurap nyang sinabi habang nakikipagtitigan sa akin. Pwedeng mamatay?!

"Ba-"

"Aldrin. Let's go!"

Sabay kaming napalingon sa gawi ng pinto. Basta ako masama ang pinukol kong tingin sa ahas na pumasok. Nandun na eh! Tatanungin ko na si Aldrin kung bakit pero sumunod at sumulpot pa ang Amira'ng ito. Punyeta lang talaga. Anlakas manira ng moment!

COLLISION OF VIRGINSBasahin ang storyang ito ng LIBRE!