Chapter Fourteen

631 28 3

"Give me your phone number" sabi ko kay Miro

"What for"? He asked coldly, ay! Nagtanong pa talaga

"Girlfriend mo ko, malamang kukunin ko, diba?" pagtataray ko sa kanya

Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy lang siya sa pag lalakad.

Papunta kami ngayon sa carpark ng school, pagkatapos ng nangyari doon sa resthouse nila ay naisipan ko ng umuwi. Nakakastress ang araw na to, gusto kong magpahinga at isa pa inaantok ako.

Matalino ako, kaya kahit mag ditch ako ng class hindi ako babagsak at isa pa ngayon lang din naman ako natutong mag ditch eh, ang sipag ko kasi mag aral noon eh, ayokong umaabsent ako o magsiskip malang kahit isang subject at sa sobrang sipag ko lahat nalang ata ng libro sa library gusto ko nang iuwi.

Oh well! Enough of that, balik tayo kay Miro.

"Oh ano?wala ka ba talagang balak na ibigay sakin ang number mo?" tanong ko ulit ng hindi parin niya binibigay ito. Akma na niyang bubuksan ang kotse niya ng magsalita ako ulit.

"So wala nga? So paano kita ma cocontact niyan? Paano kita magiging tunay na boyfriend kong wala ako kahit number mo? Paano-

Hindi na niya ako pinatapos pa ng lingunin niya ako na naka kunot ang noo. Ghad! Suplado talaga.

"Shut up. You're so loud that it's irritating" sabi niya at kinuha ang phone niya sa bulsa ng pantalon niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Namumuro na to ha!

I just copied his number and I saved my number in his phone too. I was in the middle of typing my name nang kinuha na niya ang phone niya at umalis na siya. Bastusan lang? Ganun? At ni hindi malang nagpaalam, napaka sweet talaga eh nuh?

Oh God! Humaba pa sana ang pasensiya ko sa lalaking yun! Ano pa bang nagustuhan ng mga babae dun bukod sa gwapo siya? Eh ang cold cold naman niya, eh dagdag niyo pa na napaka suplado niya.

Napapailing nalang akong pumasok sa sasakyan ko. I drive my way home. I really need a rest.

It's Saturday, at walang pasok. Tanghali na nang magising ako, syempre sa tawag ng kaantukan at malambot kong kama, mahimbing ang tulog ng inyong prinsesa.

I dialled Blaire's number ng may maisipan akong gawin.

Nakatatlong ring pa bago niya sinagot ang tawag ko.

"What do you want bitch?" ang gandang pambungad naman nito, ni hindi manlang muna ako batiin.

"Oh! Good morning too bitchfriend" I sarcastically said.

"tanghali na kaya" sagot niya sa kabilang linya na hindi ko binigyang pansin.

"Shopping tayo. Na bobored ako" I pouted na para namang makikita ni Blaire.

"Ganoon? Pagkatapos mo kaming iwan kahapon, ni wala manlang pasabi kong nasaan ka, kong buhay ka pa ba o baka nagpakamatay kana?" pagtatalak niya, ang OA niya. Pero love ko yan.

Sigurado akong hindi na maipinta ang pagmumukha nun habang nagsasalita.

"Wag kang OA Blaire. Sorry na, heto na nga oh babawi na! Shopping tayo, my treat" I said sweetly, hindi naman yan galit eh.

"Anong akala mo samin? Walang pera?" pagtataray pa niya. Tss!

"Ang dami mong alam! Magkita nalang tayo sa mall after 30 minutes, bilisan mo" sabi ko sa kanya, ang dami pa kasing sinasabi gusto din naman.

"May utang ka saming explanation ha"

I rolled my eyes "Oo na, see yah bye", then I hang up.

She's Back !Basahin ang storyang ito ng LIBRE!