Para San'yo

3 0 0

Kay tagal hinintay, Araw ng Pagtatapos

Tanda ng katatagan sa kabila ng unos

Hindi nagpapatinag sa kahit anong pagsubok

Kaming mag-aaral, aabutin ang tuktok.


Salamat sa inyo mahal naming magulang

Aming hangad mapalitan nang wagas na kagalakan

Inyong pagsisikap na dugo't pawis ang puhunan

Salamat sa payo ninyo at pangaral

Batid naming inyong hangad ang aming kabutihan

Asahang hindi ito kailanman malilimutan.


Salamat sa inyo mga gurong mahal

Kayo'y dakila, kayo'y di malilimutan

Inyong pagmamahal sa aming mga pangalawang anak

Mga turo ninyo'y gabay sa buhay.


Sa entabladong kay daming hadlang,

Makamit lang diplomang pinaghirapan

Nilalaman ma'y kay bigat dalhin

Nakatalang pangalang paka iingat ingatan

Patunay ng tagumpay na pinagpaguran.

 Sa aming pagtatapos, mga minamahal


Mula sa aming puso , ngayon at kailanman

Nais namin kayong pasalamatan

Salamat. Sa aming guro, kaibigan at magulang.



pen n papelBasahin ang storyang ito ng LIBRE!