Chapter 43: Robby

18.9K 754 54

Narito na kami ngayon sa Puerto del Sol. Kumuha kami ng malaking cottage para maaccomodate kaming lahat. As usual, nag-inarte na naman ang Jarius at privacy daw ang gusto. Ang sabihin nya, gusto lang nyang pagsilbihan sya ni Zeke.

Ang nakakainis lang, nandamay pa sya. Imbes na nagpapakasarap kami sa hotel, eto ngayon at kailangang kami pa ang gumawa ng mga bagay na pwede naman sana naming iparoom service kung sa hotel kami nagstay.

Medyo late na kaming nakarating dito sa Pangasinan. Inayos pa kasi namin ang mga naging kaguluhan namin nung nakaraang mga araw. As usual, silang tatlo lang ang nagdiscuss. Ako tahimik na nakikinig lang at sumasagot kapag kailangan. Ayoko na may masabi na naman akong pagsisisihan ko. Gaya na lang kagabi.

Napamura na lang ako sa aking sarili na isinisiwalat ko na kay Jurace ang mga sama ng loob ko kay Ivory. Buti na lang at bobo sya at katulad ni Jai, mahina ang pick up nya kundi nabuko na sana ang lihim na dalawang taon ko nang itinatago sa kanila. Next school year, kahit anong mangyari, aalis na talaga ako sa Martenei. Ayokong maging sunud-sunuran na lang ako lagi kay Ivory. Ginagawang laruan. Ginagawang puppet. Kung nuon, wala akong mapupuntahan kapag sinabi ni Ivory ang lihim namin sa parents ko, ngayon I can already stand on my own. May ipon na ako at yung ibang pera ko ay ibinili ko ng stocks at kumikita naman ng ayon sa gusto ko. At sa pag-alis ko, sisiguraduhin ko na kahit hibla ng buhok ko ay hinding-hindi nila matatagpuan. Lalo na yung Ivory na yun.

"Ano? Sasama ka ba o hindi?" Ansarap talagang bigwasan ng Jurace na ito. Porke magaling sa self-defense, kinakaya-kaya lang ako.

"Sasama." Tipid na sagot ko sa kanya. Mamamasyal daw kami habang may ginagawa sina Zeke at Jessie. Nagkocompose sila ng kanta na isa sa mga projects nila at kailangan nila ng katahimikan kaya lalabas muna kami. At ang nagmamagaling na si Master, ayun, nagvolunteer na isasama daw si Timber. Wag nya lang ipapaalaga ulit sa akin ang hayop na yun dahil talagang ibabato ko silang dalawa sa dagat. Bwisit na bwisit ako sa asong yun. Nung magising ako, may ipot na sya sa tyan ko. Kaasar! Si Miggy naman, natutulog. Napuyat panigurado kagabi.

Naglakad-lakad lang naman kami sa resort hanggang sa humiwalay ang parehong bobo na magbayaw sa amin nina Jai at Timber. Nagkukuwentuhan kami ng mga bagay-bagay nang humahangos na dumating ang isang Andres.

"Nakita ko na! Nakita ko na ang matagal ko ng hinahanap-hanap! Ang magpapasaya ng labis sa aking sinisinta! Ang magpapagalak hindi lamang sa kanyang puso kundi maging sa kanyang kaluluwa." Parang nasasaniban ni Balagtas na anunsyo ni Jayson. The heck! May pakumpas-kumpas pa sya ng kamay nya. Batukan ko kaya?

"Ano naman yun?" Bagot kong tanong.

"Ang itim na kambing!" Labas-gilagid nyang sabi.

"The fuck?! Hanggang dito ba naman, Jay? Nakakahiya ka!" Jarius snorted.

"Ah basta! Ito ay isang malaking pagkakataon para maipagluto ko na si Jessie ng paborito nya. Pahiram naman ng cp. Tatawagan ko lang sya. Naiwan ko kasi yung phone ko sa bag." Wala sa loob na ibinigay ni Jai ang phone nya kay Jayson.

Katatapos lang kausapin ni Jayson si Jessie nang humahangos din na dumating yung isa pang Andres.

"Jayson! Yung may-ari ng mga kambing, aalis na!" Tarantang anunsyo nya kaya naman ang Jayson, nataranta na rin.

"Tara! Habulin natin!" Bulyaw nya kay Jurace. At tila hinahabol sila ng sampung demonyo na tumakbo papunta sa may gate ng resort.

"Hoy! Teka! Yung phone ko!" Sigaw ni Jarius. "Robby, ikaw na ang bahala kay Timber!" Bilin nya sabay abot sa akin ng tuta bago sya kumaripas din ng takbo pahabol sa dalawang gunggong.

...

Sumunod ang mga mata ko sa tumatakbong palayo na mga kaibigan ko. Tss. Dahil lang sa itim na kambing natataranta sila? The fuck.

7 Demons II: THE SADIST 2 (BxB)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!