♤ One ♤

397 19 4


Maldita ka, pag marunong kang mangbara at sumagot ng tama. Ang dami-daming matalino, maganda, may pinag-aralan, nasa mataas na kumpanya, may Masteral degree, mayaman pero pag nagsalita walang mapulot. Parang mga high school na ang range of topic lang na pwede silang maging aktibo ay tungkol sa lalaki at sa 'close friends' nila na hindi mo naman kilala sa earth. Maldita ka, pag kahit anong usapan - usapang kanto, usapang tambay, usapang propesyonal, usapang bakla, usapang pang-artist, usapang baluktot ay pwede kang sumabay. Hindi sarado mag-isip ang maldita. Hindi mo sila maririnigan ng "eeeewwww, that's yucky!" Ang arte.

Ang maldita nag sasabi lang ng totoo hindi sila yung tipo na may masabi lang na hindi naman totoo, masiraan ka lang. Kung ikaw yung tipo na nagsasabi ng hindi naman totoo aba't lumayas kana hindi ka nararapat dito. Hard ba? Anong silbi ng pagiging maldita mo kung hindi mo gagamitin sa tama.

MALDITA ♤Basahin ang storyang ito ng LIBRE!