Chapter 31 "Feelings"

12 3 0

A/N: Dahil tapos na din pala ako sa special exam ko kanina, todong update na gagawin ko, hahahaha... enjoy! Please don't forget to Vote. Comment. Share. Thank you and God bless... *^▁^*
~~~~~
Kervy's POV
(November 9, 20**, Sunday, 12:30pm)
(Mendoza-Odejar Residence)
Tahimik kaming apat sa kwarto ni Ate Nadine, nang biglang mag-ring ang phone nya...

(*phone ringing*)

Kinuha nya naman agad yun at sinagot, I wonder who could that be? Hmmm?

(Cellphone conversation)

"Hello?"

"Hello Ate Nadine, gusto ka pong kausapin ni Kuya James, nahihiya nga lang po sya, kaya po ako na po ang tumawag, ikumusta nyo na din daw po si Geryanne kay Cristine... sige po eto na po si Kuya James..."

Si Trixia pala yun, di man lang nya ako kinukumusta, hayy...

"Ahh s-sige sige... Hello James?"

Sabi ni Ate at bati nya naman kay Kuya James sa kabilang linya...

"Uhm, can I, c-can we...talk privately? I mean, naka-loud speaker kasi yan noh?"

"Hmm... yeah...nakaloud speaker nga... lalabas lang ako sa kwarto ko..."

Sabi nya naman kay Kuya at lumabas na nga sya ng kwarto nya, ang lakas ng sense ni Kuya James ahh, galing manghula...

"Sa tingin nyo mga Kuya, anong pag-uusapan nila?"

"I guess... Kuya James will confess his feelings to Ate Nadine, it seems like it, kasi sa sinabi ni Trixia kanina na nahihiya daw si Kuya James kay Ate, ehh, dati naman hindi diba?"

Hmmm, tama naman yung sagot ni Geryanne kay Alyssa, teka nga pala...

"Paano mo naman nalaman na may feelings si Kuya James kay Ate Nadine ha?"

"Trixia told me, matagal na daw kasi si Kuya James na may gusto kay Ate Nadine, pero nahihiya si Kuya na sabihin agad kay Ate, hmmm.. parang yung isa lang dyan, manhid dati, ngayon torpe... hahahaha..."

Nang-asar pa, -_- tsk...

"Hahahaha, tama ka nga Kuya Geryanne... hahahaha, I wonder, ano na kaya ang feelings ni Ate Trixia sa'yo?"

"I guess, nothing change... kaya may chance ka pa Kervy, bilis-bilisan mo nga lang ang kilos at baka maunahan ka pa nung iba, alam mo naman yun, madaming fans sa campus, pati si Cristine, sila ang Ultimate Campus Princesses ng LRIU-MC... at baka bumalik sila sa America for Kuya James' college... baka isama sila... sayang ang mga araw na nandito sila kapag hindi ka pa nagparamdam na mahal mo si Trixia more than a bestfriend..."

Parang nabingi ako sa huli nyang sinabi ahh, babalik sila sa America para sa college ni Kuya James...

Paano yun? Sana naman hindi matuloy yun, may college naman sa LRIU-MC ehh, bakit sa America pa?

"Natahimik ka Kuya Kervy? Naisip mo yung huling sinabi ni Kuya Geryanne noh? Don't worry Kuya, he's just kidding,,"

"I know that, kaya nga hindi na ako umimik ehh, lalabas na ako..."

Sabi ko, at lumabas na nga ako ng kwarto ni Ate, nakita ko naman sa may terrace namin si Ate kausap pa rin sa cellphone nya si Kuya James...

Pumasok naman ako ng kwarto ko at nahiga, naisip ko na, dapat nga na iparamdam ko na kay Trixia na mahal ko sya, at baka magkatotoo ang sinabi ni Geryanne na baka umalis na naman si Trixia...

Bakit ba kasi ang manhid ko dati?!

-----

Unexpected LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!