Chapter 22

3.4K 107 2

"Grabe no. Parang mas gumanda pa siya ulit!" Girl 1.

"She's definitely back." Girl 2. The who kaya ang pinag-uusapan nila? Hm. Bahala na nga. Wala na kase akong panahong tanungin pa sila.

Kailangan ko na kaseng makapunta sa Music room e. Pansin niyo ba di kami sabay ni Travis pumasok? Kase may practice sila ng banda niya e. May gig kase sila.

"Knock knock!" Masayang sabi ko ng sumilip ako sa music room. Napatingin sila sakin kaya nginitian ko sila. "Good morning! Breakfast?" Sabay alok ko ng bitbit kong mga lunchbox.

"Yun o! Buti dumating ka." Madaling naibaba ni Alex yung gitara niya at lumapit sakin.

"Wow may bacon! Yuuum!" Tuwang-tuwang sumubo si Irvin.

"Hello Ms. Beautiful." Todo-ngiti si Travis ng lumapit sakin. "Ang tagal mong pumasok. Namiss tuloy kita.." sabay back hug sakin at kiss sa cheeks ko.

"Sorry na. Nilutuan ko pa kase kayo ng breakfast." Proud na sabi ko.

"Ha? Ikaw? As in ikaw talaga nagluto?" Di makapaniwalang tanong niya. Psh. Kaaway ko kase ang kusina pero awa ng Diyos nakaluto naman ako kanina.

"Oo kaya. Tignan mo o napaso pa ko. Huhu." Pinakita ko sa kanya yung paso ko sa kamay ba lumolobo na.

"Aw wawa naman baby ko." Kinuha niya yung kamay ko at inilapit sa bibig niya. "Para hindi na masakit.." Kiniss niya. "At para gumaling na agad.." Then he kissed it again.

Aw. Parang effective a? Nawala na yung sakit. Isa pa nga! Charot. Haha.

"Bro tawag daw kayo ni Alexa sa dean's office." Panira naman tong si Alex sa landian namin e. I mean lambingan pala.

"Anong meron?"

"Baka ipapatanggal ka na sa school." Sabi niya sabay tawa.

"Travis! "

"Joke lang. Pikon mo." Tsaka niya pinisil ilong ko. "Baka iinform lang tayo sa contest."

"Ah okay." Naglakad na kami papuntang dean's office ng nag-aasaran. Ayaw akong tigilan e. Kesyo di ko daw ba nasunog namin sa paga-attempt kong magluto blah blah.

"Oy babe lampas na tayo. Kulit kase e."

"Ay sorry naman po. Kapag kasama kase kita, nawawala ako sa sarili e." Eh? Kinikilig ako.

"Uy nagba-blush siya. Naniwala ka naman? Haha. Joke lang yun no." Psh! Joke pala ha? Bahala ka diyan. Ano yun pinakilig lang ako tas joke lang pala. Aish!

Nauna na kong pumasok sa loob ng office.

"Good Morning dean." Nakangiting bati ko.

"Kamusta po dean?" Nasa likod ko na pala si Travis. Psh.

"Good Morning din. Mabuti ako. Kayo bang dalawa? Lalo ata kayong gumwapo at gumanda ha?" Nakangiting sabi niya. Matandang lalaki si dean. Para na naming lolo yan. Sobrang bait pa.

"Nako ito talagang si dean hindi marunong magbiro." At nagtawanan kami sa sinabi ni Travis.

"Have a seat." Umupo kami sa harap ng table niya.

Napag-usapan lang namin na yung laban-laban ng school will be in 2 months. And full support daw ang school sa aming dalawa dahil nga ire-represent namin ang school. May mga practice din daw na dapat attendan para alam namin ang mga gagawin. Plus meetings daw. And di daw kami dapat mag-alala sa studies namin, dahil may mga lectures and special classes na ibibigay sa amin para hindi kami mapag-iwanan.

Pwede bang ako na lang? COMPLETED #Wattys2016Basahin ang storyang ito ng LIBRE!