Chapter 8: Training

9 0 0

Flizer's POV

Ang init! Grabe dito sa Pinas ah! Andito ako sa likuran ng Science Building, malapit sa pocket forest dito sa school. Mayroon kasing mga bench dito at walang masyadong pumupunta dito. Nakahiga lang ako sa bench na may aklat na nakatakip sa aking mukha.

"Yo"

Kinuha niya ang aklat pero hindi parin ako dumilat.

"Tsk! Ayaw mo ha!"

*cheeng!*

Agad akong dumilat nang narinig ko ang isang spada.

"Gumising ka Flizeeeer!"

Tumakbo siya palapit sakin habang hawak-hawak niya ang espada. Agad akong tumalon sa aking hinigaan at nahapa ako sa lupa. Saktong-sakto na tumama ang espada sa bench.

"Ano ba Flizeria!"

"Tumayo ka jan!" Inatake na naman niya ako sa kanyang espada.

"Ano ba! Bakit mo ako inaa-"

Tinama na namam niya ang espada sa harapan ko. Tumayo naman ako agad.

"Huwag kang daldal jan! Lumaban ka!"

Tumakbo na naman siya patungo sa akin at nakatutok sa akin ang matulis na bahagi ng espada.

"Umilag ka!"

Hindi ako umilag pero tumakbo ako.

"Huy! Huwag kang tatakbo! Huwag kang duwag!"

Hindi ako nakinig sa kanya tumakbo ako ng mabilis patungo sa pocket forest.

"Huwag mo akong takasan Flizer! Lumabas ka jan!" Tumatakbo narin siya at hinahabol niya ako.

"Ano bang drama mo! Ba't may epsada ka!"

"Hindi ito espada! Katana to! Katana! Hiyaa!"

*slash!*

Agad akong humarap sa kanya at tumakbo ng mabilis at nag slide sa baba niya. Agad naman akong tumayo at nasa likuran na niya ako at tumakbo ako at nag tago sa isang malaking puno.

Pocket forest ba ito? Parang hindi na ito bahagi ng paaralan namin ah

*slash* bumagsak ang sanga sa gilid ko at alam ko sa akin na naman tatama ang katana niya kaya tumakbo na naman ako bago mangyari yan. Nagtago na naman ako.

"Flizer! Huwag kang tatago. Harapin mo ang iyong kalaban, dahil kahit anong tago mo, mahahanap at mahahanap parin kita."

Tama. Kahit anong tago ko dito mahahanap parin niya ako. Parang nag hide and seek lang kami. Pero iba ito, parang seryoso siyang patayin niya ako.

Nakahiga ako at ang katawan ko ay humaharap sa lupa. May malaking dahon na naka patong sa akin.

"Aha! Andito ka lang pala!"

Malapit na tumama sa tenga ko ang katana niya. Nag roll naman ako pagilid para humarap sa kanya at sinipa ang kanyang tiyan. Napaatras naman siya. Humarap na ako sa kanya.

Third Person's POV

Humarap na si Flizer kay Flizeria at nag fighting stance na siya. Handang lumaban.

"Mali yang stance mo! Madali ka lang mapatumba nyan! Kung gusto mo akong protektahan matuto ka!"

Binitawan ni Flizeria ang katana, dahil naisip niya na unfair kay Flizer na wala siyang armas. Agad na sumuko si Flizeria kay Flizer. Sinuntok niya si Flizer sa mukha pero nakailag si Flizer, agad naman sinipa ni Flizeria si Flizer sa kanyang sikmura dahil naging open ito.

My Crush's Hide and DieBasahin ang storyang ito ng LIBRE!