The First Case

8 0 0

"Nabalitaan nyo ba? Naglaslas daw si Ms. Alarcon!"

"Oo nga daw! Ang sabi eh nabuntis daw ng may-asawa kaya ayun, sobrang nadepress at dahil na rin sa kahihiyan eh naglaslas!"

"Sayang. Sobrang bait pa naman nun tas ang ganda pa."

"Sus! Hindi rin no! Ang bulong-bulungan eh pakitang tao lang daw yun. Kung ano raw ang kinaamo ng mukha yun din daw ang kinasama ng ugali sabi nung mga under sa kanya."

Narinig kong usap-usapan ng mga tsismosa kong katrabaho ng mapadaan ako sa cafeteria ng pinagtatrabahuhan kong kumpanya.

Dalawang araw na ang nakakalipas ng mabalita sa buong kumpanya ang pagpapakamatay ng isa sa mga supervisors namin. Ms. Josefa Alarcon was one of the best in her field and though i am not under her supervision still, i admire her in her dedication in her work. At a very young age of 21 she was one of the few who made the cut. Kaya laking gulat ng lahat ng malamang nagpakamatay siya. She was found dead at her bath tub, naliligo sa sariling dugo habang puno ng laslas ang mga braso at pulso. It was her sister who saw her.

"Velyn, ano sa tingin mo? Totoo kaya yung chismis na buntis talaga si Ms. Alarcon?" Tanong sakin ni Alexa, isa sa mga malalapit kong kaibigan dito sa kumpanya.

By the way, i am Velynda Lynn Larciega 18, and i am currently working as a part-time fashion designer in 'Lily and Beth Clothing Company". Actually, 4 months pa lang akong nagtatrabaho dito tas ganito pa mangyayari? Hay naku. Ang swerte ko talaga.

"I dunno? Malay ba natin di ba?" Sagot ko na lang at wala naman akong balak isipin pa yung ginawa na yun ni Ms. Alarcon, maybe she thought that ending her life is the best possible solution dun sa kung ano mang problema nya. And i respect her for that even though i do not agree in taking your own life.

"Pero alam mo sabi nila mala-Meryl Streep sa Devil wears Prada daw ang ugali nun. Sobrang sama daw talaga. Namamahiya daw yun tas kung hindi daw nagustuhan ni Ms. Alarcon yung pagkakatahi eh binabalibag daw or di kaya itinatapon sa basurahan." Saad ni Alexa.

Sa kumpanya kasi namin, syempre ang unang ginagawa nagdedesign, kami yun. Then pag naapprove na yun, mapupunta yun sa isa pang team ng mga designers sila naman ang bahalang mag-edit nung mga design kung may nakita silang mali or napangitan sila. After nun, mapupunta na yun sa mga nananahi. Yes, may nananahi pa sa kumpanya na pinapasukan ko. Di ko alam pero mas gusto kasi ng may-ari ng kumpanya na hand sewn or di kaya naman ay binuburdahan ng mga tao imbes na malalaking makina yung mga damit. Pero syempre yung parang pinaka model design lang yun. Sa department na yun, si Ms. Alarcon ang supervisor. Kaya hindi nakapagtatakang maraming galit sa kanya dahil nga sa pagiging perfectionist nito.

"By the way, nakapunta na ba yung mga kasama natin sa burol nya?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Hindi pa. Balak nila mamaya after ng work hours. Sasama ka ba?"

"Hmmn. Sige, para na rin makapagbigay ng huling respeto sa kanya." Sagot ko.

Lumipas ang buong maghapon na ganun lang ang pinag-uusapan sa buong department namin. Hanggang sa ibang department yun din ang topic.

**

It was now 8:00 pm at nagreready na akong umalis. Hanggang 8:00 pm lang talaga ang work hours pero yung iba na gustong kumita ng mas malaki or di kaya naman ay may hinahabol ng deadline ay nag-oovertime ng hanggang 10:00 pm. At mukhang wala pa silang balak umalis dahil tuloy pa rin sila sa paggawa. Mukhang ako lang ang uuwi ngayon ah?

"Hey Alexa! Di ka pa ba uuwi?" Dungaw ko sa mesa ni Alexa. May kanya-kanya kasi kaming table dito. Parang call center style ang datingan ng workplace namin.

"Ah hindi pa. Hindi pa ako tapos dito sa design ko eh. Pinapabago kasi ni Madam." May halong inis nyang sabi.

"Ikaw naman kasi daldal ka lang ng daldal buong maghapon." Pang-iinis ko sa kanya.

"Pwede ba Velynda, hindi ka nakakatulong." Asar nyang sagot.

"Eto naman di ka na mabiro! Mauna na ako ah? 10:00 pm pa naman tayo pupunta sa burol di ba? Uuwi muna ako tutal naman maaga pa. Susunduin na lang kita dito para sabay na tayong pumunta dun. Itext mo na lang ako." Sabi ko sa kanya. Tumango naman sya at nagpaalam na ako.

I was on my way sa elevator ng maramdaman kong parang may nakatingin sa akin. Wala namang katao-tao rito dahil para lang talaga sa designers ang 5th floor, at lahat ng designers ay busy sa mga ginagawa nila sa workplace namin.

Hindi ko na lang pinansin at nagtuloy ng pumasok sa elevator, guni-guni ko lang siguro yun. Tuluyan na sanang sasara yung pinto ng elevator ng biglang may kamay na pumigil dito. Dahilan para magulat ako. Titili na sana ako ng biglang pumasok ang isang lalaki. Napatitig ako sa kanya. Naka-long sleeves sya na maroon at necktie na black. Ok lang naman yung built ng katawan nya, siguro nasa 6 flat ang height, siguro nasa 22-24 ang edad nya at mestiso. Nahihiya syang ngumiti sa akin ng napagtanto nyang nakatingin lang ako sa kanya.

"Uhmmn. Im sorry, natakot ba kita? Nagmamadali kasi ako. Nakita ko kasing pasara na yung elevator kaya tumakbo na ako. By the way i am Rence Vuena." Ngiti nya sa akin sabay abot ng kamay nya.

"Velynda Lacierga." Sagot ko naman at kinuha ang kamay nya.

"Designer ka?" Tanong nya sabay pindot sa 2.

"Ah oo. Ikaw ba?" Sagot ko naman. Mukha syang pagod na pagod at stress pero hindi mo maipagkakailang gwapo sya.

"Ah hindi. Actually, sa accounting ako naka-assign. May ibinigay lang ako dun sa isa sa mga designer." Sabi nya at sakto namang bumukas na ang elevator dahil sa nasa 2nd floor na kami.

"Ah sige, una na ako ah? Sorry ulit." Sabi nya pagkalabas na pagkalabas nya ng elevator sabay takbo.

"Sobra naman ata ang pagmamadali ng isang yun." Bulong ko sa sarili. Pinindot ko na ang button papunta sa parking area ng kumpanya.

Pagkalabas ko ng elevator ay tumayo ang mga balahibo ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa lamig ng simoy ng hangin or dahil ba pakiramdam ko ay may nakatingin talaga sa akin. Dali-dali akong naglakad patungo sa kotse ko. Buti na lang at hindi ko ito naipark sa malayo. Agad akong pumasok sa loob ng kotse. Nakahinga ako ng maluwag at natawa na lang ako dahil, sobra pala akong kinakabahan in a sense na daig ko pa ang tumakbo sa marathon dahil sa pawis ko.

Iistart ko na sana ang kotse ng biglang may nahagip ang mata ko.

Nung una ay parang anino lang ng kung ano pero habang tinitingnan mo ay unti-unting nagiging hugis tao. Tinitigan ko ng maigi at tama nga ang hinala ko. Tao yun na naglalakad palabas ng parking area.

Hindi ko na lang sana papansin kung sino yun at maraming tauhan ng kumpanya ang lumalabas at umuuwi ng ganitong oras, pero bigla syang lumingon at sigurado akong namutla ako ng sobra.

Kilala ko sya!

Parang kanina lang pinag-uusapan namin sya ni Alexa.

Pinagpapawisan ako ng malamig habang pinapanuod ko syang lumabas ng gate ng parking area and with one swift move, naging isa sya sa kadiliman.

I swear, it was her!

It was the embroidery department supervisor.

The one who died 2 days ago.

MS. JOSEFA ALARCON.

The Unlikely DetectiveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!